Bagsak ang balikat ni Bhea habang isa-isang inilalagay ang kanyang mga gamit sa box. Lumabas na ang naging resulta, naging totoo ang karamihan sa kanilang sagot kumpara sa mga nagsinungaling. Nagkaroon din ng meeting ang head ng Human resource department at ang head ng amin upang pag-usapan ang naging issue. At dahil doon ay nagkaisa ang lahat na tatanggalin na lamang si Bhea upang maiwasan ang ganitong gulo na maaring mangyari ulit. “Buti nga sa kanya!” masayang at nakangisi na usal ni Lyca habang isa din sa nakatingin sa nagliligpit na si Bhea. “Ang sama,” sagot ko sa kanya bago ako napabuntong hininga, “Pakiramdam ko tuloy ay dahil din sa akin kung bakit siya na walan ng trabaho pero naiisip ko naman na kung hindi ko din naman ginagawa ay hindi lang ako ang pwede niyang maging biktima

