ONE NIGHT ENCOUNTER 9.2 Malakas ang pagbuhos ng ulan sa kalsada, kakaunti na lamang ang naglalakad dahil sa oras nang kanyang paglabas. Mag-isa na naglalakad si Gwen habang madiin nitong hawak-hawak ang kanyang payong upang hindi tangayin ng malakas na hangin na umiikot sa buong lugar. "Gwen!" Tawag ng isang pamilyar na boses sa kanya. Nang lingunin niya ang pinaggalingan ng boses ay bumungad sa kaya ang isang sasakyan. Sakay non si Eros at nakasilip sa kamya na may ngiti sa mga labi nito. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka niyang tanong dito bago huminto sa kanyang paglalakad upang makasunod silang dalawa ng binata, "Hindi ba't sinabi ko sayo na hindi mo na 'ko kailangan na ihatid pa?" Sunod na tanong niya dito. Matapos na mabasa niya ang mensahe na mula sa binata ay agad niya iton

