ONE NIGHT ENCOUNTER 09: Boss Third Point of View Malakas ang kabog ng dibdib ni Gwen habang nakasunod sa babae na sumundo sa kanya mula sa department na kanyang kinalalagyan. Namamasa ang kanyang kamay dahil sa kaba at hindi maiwasan na kagatin ang kanyang labi upang may pagbalingan ng kanyang nararamdaman. Inaasahan niya na din ang panibagong chismiss na lalabas mamaya sa pagdating niya sa department pero bago niya ‘yon problemahin ay iniisip niya kung paano haharapin ang binata. Kung alam niya lang din na mangyayari ito ay sana hindi niya na pinilit pa ang kanyang sarili na pumasok ngayong araw, ‘di sana ay wala siyang ibang aasikasuhin o iisipin, at hindi din magtatagpo muli ang kanilang landas. “Sir, andito na po siya.” Ani ng babaeng sekretarya bago tumingin sa kanya. Napatingin

