ONE NIGHT ENCOUNTER 22.3 “Dahan-dahan lang sa pagbaba,” mahinahon na paalala ni Eros habang inaalalayan niya ang aking kamay sa pagbaba ng bangka. Isang tagong isla ang aming pinuntahan saka niya lamang sinabi sa akin ‘yon ng nakababa na kami ng barko at pasakay pa ng bangka na maghahatid sa amin hanggang sa isla na kanyang sinasabi. Doon ko lang din nalaman na ang isla na aming pupuntahan ay ang madalas niyang puntahan sa tuwing kailangan niya ng malinis na hangin at makahinga mula sa magulong syudad. “Salamat, boss!” sabay saludo niya sa dalawang namamangka na naghatid sa amin. Aabutan niya sana ‘yon ng bayad ng hindi na tanggapin ng dalawa, “Hindi na, ‘nak. Itago mo nalang muna ang pera mo.” Sagot nito sa kanya bago ngumiti. Mahina naman na napatawa si Eros sa sinabi nito, “Alam

