ONE NIGHT ENCOUNTER 23 “Hmmm, umaga na naman!” tamad-tamad kong reklamo sa aking sarili bago bumangon sa aking hinihigaan at nag-umpisa ng mag-inat ng aking katawan. Ang bilis talaga ng oras sa tuwing nagpapahinga sa gabi at habang nasa trabaho naman ay akala mo lakad pagong sa sobrang kupad ang paggalaw ng orasan. Inayos ko ang aking hinigaan, may kadiliman pa sa labas pero malapit na din ang lumabas ang haring araw dahil sa kulay na pumapasok mula sa aking kwarto. Ito ang unang araw ko sa isla na ‘to, gusto ko maramdaman ang malamig na tubig sa dagat, at nang makapagbabad naman ng mas matagal sa tubig. Ngunit, bago ko iyon gawin ay kailangan ko munang unahin ang panunuod ng pagsikat ng araw, katulad ng iba ay gusting-gusto ko din ang pagsikat at paglubog ng araw para lang kasi itong

