ONE NIGHT ENCOUNTER 20

2154 Words

ONE NIGHT ENCOUNTER 20 “Salamat,” nakangiti kong pasasalamat sa kanya ng huminto na kami hindi kalayuan mula sa building, “Mag-iingat ka.” Dagdag ko pa. “Ikaw ang mag-ingat, malayo-layo ang lalakarin mo. Pwede naman kita ilapag sa parking lot at hindi na dito,” nakakunot ang kanyang kilay na usal. Hinawakan ko ang kanyang mukha at marahan na pinisil-pisil ‘yon, “Mas naayos ng dito mo nalang ako ibaba. Una na ‘ko ah?” pagpaalam ko. Napilitan siyang tumango sa akin. Lumabas ako ng sasakyan at parawang walang ibang nangyari na nag-umpisa namaglakad. Oo nga’t alam na ng lahat ng nasa kompanya ang relasyon naming dalawa pero mas pipiliin ko pa din ang pagiging low key. Ayaw ko din naman mas lalo silang lumapit sa akin, mas lalo na’t ang alam nila ay kami na pero ang katotohanan ay hindi pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD