DALA ng sariling kotse nakarating si Marissa sa bahay ng mga Rodriguez sa Magallanes. Ayaw pa sana siya papasukin ng gwardiya dahil nakalimutan niyang gamitin ang lumang sasakyan niyang may sticker. Bago lang kasi ang guard na bantay ng gabing 'yon. Tumawag lang siya sa mommy ni Paulo at agad naman siyang pinapasok matapos nito kausapin. Nagbanta pa nga ito na kapag hindi siya hahayaan ipapasisante nito si manong, bagay na hindi niya naman hahayaang mangyari. Hindi naman siya ganoon kasama kung aabot sa ganoon ang lahat. Kahit naman papano may kabutihan pa naman siyang natitira sa puso niya at hindi hahayaang mawala na lang itong bigla. Si Farrah lang naman ang kaaway niya at hindi ang ibang taong wala naman ginagawa sa kaniyang masama. Nagbilin na lang siya rito na sa susunod tandaan na

