HINDI na halos namalayan ni Farrah kung paano siya nakauwi sa kanila; kasama niya pa rin si Yssa. Nagpaalam din ito sa kaniyang hindi muna siya iwan, hanggang sa maging maayos ang lagay niya dahil sa mga nangyari. Sigurado siyang hindi rin makakauwi si Paulo sa kaniyang ng gabing 'yon. Hindi rin kasi nito nakuhang tumawag sa kaniya para ipaalam kung makakauwi ba ito. Hindi na rin siya nagtangka pang tawagan si Paulo. Malakas ang kutob niyang lahat ng 'yon pakana ng mommy ni Paulo. Malungkot ang puso niya ng mga sandaling 'yon, gustuhin niya man sabihin kay Paulo ang mga nangyari, pinigilan niya lang ang sarili. Alam niya kasing magiging malala lang ang sitwasyong mayroon sila. Hahayaan niya na lamang munang lumamig ang lahat. Sapat na ring si Yssa at Rio na lang ang makakaalam, maiipit l

