"THANK'S for this night, Farrah," napangiti na lamang si Farrah sa sinabi sa kaniya ni Rio. Kakapasok lang nila sa bahay nila mula sa parke, malapit lang sa villa. Nagpapasalamat ito sa kaniya sa hindi niya malamang dahilan kung para saan. Wala naman siyang ginawa para dito, dahil kung sino man ang maaaring magpasalamat sa kanilang dalawa walang iba kundi siya 'yon. Marami itong ginawa sa kaniya, kaya niya siguro nakakaya ang lahat--- mga pabor na sobrang kailangan niya sa mga sandaling 'yon. Dahil kung siya lang ang tatanungin, hindi niya kayang mawala sa buhay niya si Paulo. Iyon ang totoo! Nagulat na nga lang siya at ang layo na ngayon kung nasaan siya noong mga araw na nasaktan siya dahil dito. Napangiti siya sa mga naisip. Maswerte lang talaga siya at kahit papano nandoon pa rin

