MAGANDA ang simula nang araw nang gumising si Farrah. Naalala niya ang lakad nila ngayon ni Rio, malamang gising na rin ang dalawa. Lalo na si Ylla na mas excited sa kanilang tatlo, balak yata nito dagdagan ang tattoo nito sa katawan at ang ilan d'on ay siya ang may gawa. Nagpasya na siyang bumangon para makapag-ayos ng sarili niya. Ayaw niyang paghintayin ang dalawa kung sakaling tapos na rin ang mga ito'ng magbihis. "TULOG pa yata si Farrah..." ani ni Rio kay Ylla. Kanina pa sila gising. Nakapag-ayos na rin sila habang hinihintay nilang dalawa si Farrah, hindi na rin naman nila inabala ang sariling gisingin pa ito at may oras pa naman para sa lakad nilang tatlo. Naghanda na rin si Ylla nang makakain nila bago umalis. Simpleng almusal lamang ang pagsasaluhan nila; bacon at pritong

