TAHIMIK na pinagsaluhan ni Paulo at Farrah ang pagkaing hinanda ng dalaga para dito. Ang tira pa nila ito nang nakaraan na hindi rin nila parehong naubos; parehong paborito nila ang chicken lasagna. Sabi nga niya noon kung hindi siya natuloy sa pangarap niyang maging tattoo artist, ang food business na lang ang pasukin niya. Good thing naman at natupad niya naman ang pangarap niya kahit papano sa tulong ng mga matatalik niyang kaibigan. Hindi lang ganoon kabongga sa ibang kakilala niya sapat na para nagbibigay ito ng pagkakitaan sa kaniya at sapat na halaga para may maipadala siya sa pamilya niyang kinakailangan siya. "Ang tahimik mo," untag niya kay Paulo. Kanina niya pa halos napapansin ang pananahimik nito. Ayaw nyang isipin kung saan posibleng naglalakbay ang isip nito. Iniwas ni

