"Thankyou, Pau," bulong ni Farrah kay Paulo. Kasalukuyan silang nakaupo sa sofa, habang tahimik na nanunuod ng isa sa paborito nilang korean drama sa T.V ang encounter. "Anything for you, Love," ganting bulong ni Paulo sa kaniya. Kasabay ang paghalik nito sa nuo niya, wala pa rin pagsidlan ng saya ang puso niya dahil nandoon si Paulo. "Magiging maayos pa ba lagay ni Tita Pilar?" tanong niya kay Paulo. Kumuwala siya ng yakap dito. Nagkibit balikat lang ito bilang tugon sa kaniya. "I don't know, Farrah. Ang alam ko lang malakas si mommy, and everything will be alright." "Sana nga 'no, kasama siya sa dasal ko palagi, Pau, hindi naman siguro siya pababayaan ng maykapal e. Sooner or later, magiging okay din si tita." "Thankyou, Love, 'yon din hinihiling ko. Lahat naman tayo, bilang an

