GABI na nang makauwi si Farrah. Tulad ng inaasahan niya kanina, alam niyang hindi uuwi si Paulo ngayon sa bahay nilang dalawa. Gaya nga ng sinabi nito may masamang nangyari sa nanay nitong hindi nito pweding isawalang bahala. Alam niyang style lang naman ito ng nanay nito, hindi na siya nagulat pa--- ilang buwan na rin naman silang nagsasama pero hindi pa siguro nito lubos na matanggap ang lahat sa kanilang dalawa ng anak nito. Gusto pa rin nito ito ang masusunod sa lahat ng sandali, sabagay nagiging sunud-sunuran rin naman si Paulo sa kung ano man ang gustong mangyari nito. Tinanggap na ni Farrah 'yon, mabuti na rin at kahit papano nandoon si Rio para makausap niya. May mga bagay lang na kailangan niyang itago kay Rio, hindi naman kailangan isiwalat niya ang lahat dito. She still prote

