CHAPTER 4 : MARISSA

1005 Words
KABANATA IV NAKARATING si Farrah at Paulo sa Tomas Morato. Halos isang oras din ang naging byahe nilang daLawa. Mabuti nga lang at alalay lang ang traffic, kahit papano gumagalaw pa rin naman silang dalawa. "We are here," pukaw ni Paulo kay Farrah. Hinayaan niyang makatulog ito. Alam niyang maaga pa itong umalis sa unit nito kaya nga nakuntento na lamang siyang manaka-naka itong sulyapan nang makatulog na. "Sorry, Pau. Nakatulugan pala kita," anito sa kaniya ng kasintahan. Hinimas niya ang makinis na mukha ni Farrah--- wala itong dapat ihingi ng pasensiya, aniya. "Ayos lang, Love. Alam kong pagod ka rin. Okay lang naman ako at hindi naman gaano ang traffic, kaunti lang ang pagkainip ko," sagot niya rito. Hinawakan ni Farrah ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. "Naguguto na ako, Love," anito sa kaniya. Sabay na lang silang natawa, dahil ang totoo kanina pa rin siya nagugutom. Nasa 'La Caza Plaza' sila ngayon ang Italian restaurant na madalas puntahan ng mommy niya at ni Pauline kasama si Marissa pag nasa bansa ito--- ang kaniyang kababatang kaibigan ng pamilya. "Let's go." Agad ng bumaba si Paulo nang matapos niyang halikan sa nuo si Farrah. Umibis agad siya sa gawi nito at pinagbuksan ito. "Thanks, Pau," anito sa kaniya. Magkahawak-kamay silang naglakad hanggang sa makapasok sa prestihiyusong kainan. Sa labas pa lang makikita mo na kung gaano ka-sosyal ang mga taong nagagawi roon. Maganda ang ambiance ng paligid, ilang beses na rin siyang nagawi sa lugar na iyon at unang beses na dinala niya si Farrah doon. "Good evening, Sir, Ma'am---" bati sa kanila ng receptionist na nasa labas ng resto. "Reservation for Mr. Rodriguez? Table for two---" wika ni Paulo. Iginiya sila nito sa table na pina-reserve niya para sa kanila ni Farrah. PAGKAMANGHA ang makikita sa mga mata ni Farrah. Maganda ang paligid, lahat halos na naaabot ng tanaw niya kumikinang, gold ang motif ng restaurant na pinagdalhan sa kaniya ni Paulo. Sa mesa na nakalaan para sa kanilang dalawa, pansin niya agad ang dalawang gold ding kandila na napapagitnaan ng maliliit na flower vase ng red roses. Mabango ito, tila naghahalo ang amoy ng rosas at amoy ng kandilang nasa harap nilang dalawa. "How do you find the place?" tanong sa kaniya ni Paulo, nang makaupo silang dalawa. Pinaghila siya nito ng upuan paharap dito. "Maganda. Mukhang mamahalin," sagot niya rito. Isang pasada pa ang ginawa ni Farrah. Iilan lang ang table na nasa bahagi ng gawi nila at halos lahat para lang sa pandalawahan. Sa kabilang bahagi tanaw niya ang mesa na para naman sa pang-pamilya at sa gitna na bahagi ng may 'di kalawang entablado nandoon ang isang may kalakihang piano. "Great artist perform here sometimes," sabi sa kaniya ni Paulo. Napatango-tango lang si Farrah. "Madalas ka rito?" hindi niya napigilang itanong sa katipan. "Kasama ko si Mama at Pauline," sagot nito sa kaniya. Muling napatango-tango na lang si Farrah. Mukha ngang mahilig ang kapatid at mama nito sa ganitong lugar kung nasaan sila ngayon, naisip niya. "Good evening, Sir--- can I take your order?" gitla sa kanilang dalawa ng waiter. Halatang hindi waiter ang get-up nito, sa suot nitong polo, black slacks at makintab na sapatos. Mukhang manager ang lalaking nasa harap nila. "I-ikaw na, Pau," sabi niya kay Paulo. Tukoy niya na ito nalang ang siyang magbigay ng orders nilang dalawa rito. Sumang-ayon naman ang nobyo niya. Dahil madalas naman ito sa lugar na 'yon, kaya alam ni Farrah na alam na nito ang masasarap na pagkain sa La Caza Plaza, aniya sa isip. "By the way, I have something for you, Love," ilang sandaling sabi sa kaniya ni Paulo. Matapos nito ilabas ang isang maliit na mahabang kahon mula sa pantalong suot nito. "Ano 'yan?" tanong ni Farrah, na may pagtataka sa mga mata niya. Dahan-dahan itong binuksan ni Paulo at tumambad sa harap niya ang isang gold na kwentas na alam niyang mamahalin. "Happy 33th montsary, Farrah Lastimoso," aniya ni Paulo sa kaniya. Tumayo pa ito at umikot sa gawi niya. "P-Pau, sandali---" Pagpigil ni Farrah sa akma nitong paglagay sa leeg niya sa kwentas na bigay nito sa kaniya. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Paulo. Natigilan. "Mukhang mamahalin 'yan, hindi ko yata matatanggap," sabi niya rito. Hindi man lang siya pinansin ni Paulo. Patay-malisya nitong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa dalawang kamay nito, na hawak-hawak ang kwentas na ilalagay sa leeg niya. "Bagay sa'yo," sabi nito sa kaniya, pagkatapos na matagumpay na nilagay ang regalo nitong binigay sa kaniya. "Wala man lang akong maibibigay sa'yo, Pau," nahihiya niyang totoong sabi sa katipan. Hindi niya talaga napaghandaan ang pinagdiriwang nilang sandali. Nahihiya man siyang tanggapin ang bigay sa kaniya ni Paulo wala na siyang nagawa pa. Pagtatalunan lang din nilang dalawa kung tatanggihan niya ito. "I want you to be special, Farrah. Alam kong you're not materialistic, masaya ako sa lahat ng binibigay ko sa'yo. You deserves it, Love," sabi ni Paulo. May sasabihin pa sana siya, nang bigla nalang may narinig siyang boses ng ilang babaeng sa likuran nila. Dahan-dahang lumingon si Farrah, iyon na lang ang pagkabigla niya nang si Pauline at ang ina ni Paulo ang siyang nalingunan niya. "Sabi ko na nga ba, Mom. It's Paulo," narinig niyang sabi ni Pauline. Hindi man lang nakuhang tumingin sa gawi niya. Napansin niya ang pagtayo ni Paulo, hinalikan sa pisngi ang bagong dating na pamilya nito. "We're with Marissa, Paulo..." Pagtataka ang siyang nakita ni Farrah sa mga mata ni Paulo sa sinabi ni Pauline sa kaniya. Sinundan niya ng tingin ang tiningnan ng mga ito. Napansin niya ang isang napakagandang babaeng naglalakad papunta sa gawi nila. Ang alam niya at kilala niyang si Marissa na tinutukoy ng mag-ina. Nilingon muli ni Farrah si Paulo. Biglang may sumikdong sakit sa puso niya nang nakatingin pa rin ang lalaki rito. Wala sa sariling napahawak si Farrah sa kwentas na bigay sa kaniya ni Paulo. Pilit na pinigilan ang luhang gustong kumuwala sa mga mata niya sa reaksyon ni Paulo sa kilalang-kilala niyang si Marissa Salcedo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD