CHAPTER 3 : MOMENTS

510 Words
CHAPTER THREE : MOMENTS --- "MATAGAL BA AKO, LOVE?" agad na tanong ni Farrah, nang makapalapit sa kaniya. "Kahit gaano ka pa katagal hihintayin kita, Farrah," "Naku! Heto naman, monthsary lang natin, Paulo. Walang mangyayaring hintayan 'no," sabi niya ritong natatawa. Hinawakan niya ang kamay ni Farrah, inikot-ikot ito sa harap niya. "Napakaganda mo, Farrah," puri niya rito. Totoo ang sinabi niya, kahit na simpleng plain na dress lamang ang suot nito. Walang tulak kabigin ang ganda ng kasintahan niya sa harap niya ngayon. "Napakapogi mo rin, Mr. Paulo Rodriguez," ganting puri niya sa kasintahan. "Let's go?" "Let's go..." Magkahawak kamay silang naglakad ng dalaga. Hanggang sa makarating sa parking lot ng condominium unit na nirerentahan ni Farrah. Alam niya't sigurado siyang matutuwa ito sa pupuntahan nilang dalawa. Hindi niya man madadala ang kasintahan ngayon sa Baguio, Batangas o, Tagaytay. Ang importante sa kaniya, ang magkasama silang dalawa. ♡ ♡ ♡ INALALAYAN siya ni Pulo hanggang sa makasampa sa sasakyan nito. Hindi naman ganoon kahaba ang dress na suot niya, kaya komportable pa rin sa kaniya ang pagkilos. "Saan ba tayo? Mukhang kanina mo pa hindi sinasabi kung saan tayo pupunta, Pau," untag niya sa katipan. Nilingon lang siya nito't nginitian. Mukhang wala talaga yatang balak sabihin sabihin kung saan sila paroroon ngayon. "Mukhang kinakabahan ako sa surpresa mo, ah," aniya rito. Bagamat wala naman itong sinabi sa kaniyang surpresa ang pupuntahan nila. Gusto niyang isiping isusurpresa siya ni Paulo. Ito nga yata ang kakaiba sa lahat ng monthsary nila, bukod kasi sa wala siyang ideya kung saan sila pupunta. Iba ang awra ngayon ng nobyo niya. "Handa ka naman kahit saan tayo magpunta 'diba?" untag nito sa kaniya. Napangiti si Farrah kasunod ang sunod-sunod na pagtango sa tanong sa kaniya ni Paulo. Handa naman talaga siya kahit saan sila magpunta. Ligtas siya kay Paulo, iyon ang alam niya. Na kahit kailan hindi siya nito pababayaan--- kahit na ano'ng mangyari sa kanilang dalawa. "E, kung dadalhin kita sa langit? Sasama ka pa rin?" "Naku, Paulo Rodriguez, matagal mo naman na ako dinala r'on, nakarating na tayo r'on," natatawa niyang tugon dito. Nilingon siyang natatawa ni Paulo. Kaya siguro magkasundo sila sa lahat ng bagay dahil sa pagiging game nila sa isa't isa, kahit na ano pang usapin ang mayroon sila. "You want?" mapanuksong tanong nito sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ni Paulo na nakahawak sa manibela ng sasakyan nito. Habang ang tingin nasa unahan ng sasakyan, sa iba pang sasakyang nauna sila, sa gitna ng traffic. "Kahit saan pa, basta kasama kita," turan ni Farrah sa nobyo niya. Totoo naman talaga ang sinabi niya, wala naman siyang hihindiang panahong kasama si Paulo. Dahil lahat ng pagkakataon na mayroon sa kanilang dalawa. Lahat 'yon pinapahalagan ni Farrah. Ngumiti sila sa isa't isa. Sumandal siya sa balikat ni Paulo, hindi na nagawang burahin ang ngiti sa labi niya. Nag-uumapaw ang pagmamahal niya rito at alam niyang ganoon din ito sa kaniya. Subok na sila ng panahon at alam nilang sa isa't isa na magiging masaya sila kahit sa ano pang sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD