TAHIMIK na ang buong paligid, tulog na rin si Paulo sa tabi ni Farrah. Nakayakap siya sa sariling mga tuhod niya habang nakatingin sa kawalan. Masama pa rin ang loob niya, hindi niya pa rin lubos na naiitindihan ang lahat. Hindi niya rin alam halos kung nakakailang buntong-hininga na ba siya. Mapait na ngumiti si Farrah sa mga naalala. Buong buhay niya inakala niyang nasa maayos ang lahat ang hindi niya maintindihan ngayon kung bakit bigla-bigla na lamang ang siyang pagdating ng malaking pagsubok sa buhay nilang dalawa. "Kaya ko bang i-give up ka, Pau? Makakaya ka bang mawala ka sa buhay ko? Parang ang hirap kasi, hindi ko alam kung saan magsisimula pag hinayaan kong mawala ka," bulong niya sa sarili para sa binata. Sana panaginip na lang ang lahat, mapait na bulong ni Farrah sa sa

