TULUYANG hindi mapakali si Farrah sa kahahanap kay Paulo. Halos inikot niga na ang buong unit kung saan silang dalawa naroon. Wala man lang bulto ni Paulo siyang nakita, hindi niya na alam halos alam ang gagawin kung saan nga ba siya magsisimulang maghanap sa binata. Labis ang kabang nararamdaman niya sa mga bagay na naiisip, paano na lang kung kasama nito si Marissa? O, ang mas malala pa kapag may mga bagay itong gagawin na ikakasira nilang dalawa ni Paulo? Huwag naman sana, tanging hiling ng puso niya. "Pau, nasaan ka, Pau?" paulit-ulit na bulong ni Farrah sa sarili sa pangalan ng nobyo niya. Tuluyan na rin siyang napalabas patungo sa may dalampasigan kung saan lang sila malapit. Tanaw niya ang ilang mga turista at lokal sa paligid, kaniya-kaniyang lugar ito kung saan tutungo. Hinan

