[Can we talk?] Yan ang text message na natanggap ni Farrah mula sa nanay ni Paulo. Halos kararating lang nila sa unit nila mula kay Eve, matapos nilang mag-usap sa ilang mahahalagang bagay na dapat nilang pinag-usapan. Hindi niya inaasahan ang mensaheng natanggap niya mula rito. Paano rin nito nalaman ang number niya? Napasinghap si Farrah, ano naman kaya ang sadya sa kaniya nito. [ Hihintayin kita sa resto dito lang sa hotel. ] muling text message na natanggap niya mula rito. Hindi pa nga siya nagdedesisyon. Sadyang pala-desisyon naman yata ang nanay ng magiging asawa niya. Ano pa nga ba ang aasahan ni Farrah sa isang Rodriguez? Hindi ba ganoon din minsan si Paulo sa kaniya? Hindi na siya nagulat pa. Gusto niya man harapin ito, hindi niya alam kung saan kukuha ng lakas. Napau

