DINALA ni Paulo si Farrah sa isang hotel na may kalayuan sa kung nasaan silang dalawa ng dalaga. Pinili na lamang nilang sadyain si Eve at tulad ng napagkasunduan nila ni Farrah, kakausapin na nila ito para mas mapadali ang lahat sa kanilang kasal na hinahanda, lalo pa ngayon at nandoon ang mommy niya at si Marissa. Hindi naman kumontra pa si Farrah nang sabihin niya ritong gusto niya mangyari na ang lahat sa lalong madaling panahon para wala ng kahit na an'ong magagawa pa ang may nais humadlang sa kanilang dalawa--- hindi niya naman hahayaan kung sakali. Tamang-tama ng lumabas sila wala na rin si Marissa at ang mama niya, wala na rin panahon ang mga itong sundan sila at baka malaman pa ng mga ito ang nais nilang dalawa--- itatago niya ang lahat hangga't hindi pa nangyayari ang panga

