Chapter 78

1019 Words

"BAKIT hindi ka man lang nagsabing susunod ka na pala rito?" bungad ni Farrah kay Rio. Umupo siya, paharap dito. Tulad nga ng sabi nito kanina mamamasyal sila kasama si Ylla. "Kung sasabihin ko 'di hindi na surprise 'yon," anito naman sa kaniya. Sabagay tama nga naman si Rio. Kung sasabihin nito agad sa kanila na susunod ito, hindi na 'yon surpresa. Actually nakabawi na rin naman siya sa pagkabigla sa pagdating ni Rio. Kulang lang talaga siguro sila sa preparasyon dahil nga wala man lang itong pasabi sa kanila. "Gusto mo ba siya kamustahin?" tanong ni Rio sa kaniya. Alam niya kung sino ang tinutukoy nito, walang iba kundi si Paulo. Ngiti lang ang tanging naging tugon niya kay Rio. Alam naman nito ang pinangako niya sa sarili niya noon, bagay na ayaw niya ng ulit-ulitin pa sana.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD