"WHAT'S GOING ON, MARISSA? HINDI KA PA RIN BA NAPAPAGOD D'YAN SA GINAGAWA MO? PINIPILIT MONG MAHALIN KA NG TAONG ALAM MO SA SARILI MONG MALABO KANG MAHALIN!" sermon ng mommy ni Marissa sa dalaga. Galit ang sinalubong nito sa kaniya nang magpaalam siyang umuwi rito para bumalik ng Pilipinas at makasama si Paulo. Kakagaling niya lang halos sa hospital kung saan siya nanatili halos ilang linggo sa pagsusuring nangyari sa kaniya. "Please, Ma, pagod ako. Gusto ko muna magpahinga. Kung pwedi lang, huwag niyo na muna ako'ng gambalain ng kahit na ano. Buo na ang desisyon ko, Ma, babalikan ko si Paulo, dahil 'yon ang dapat.." aniya rito. Hindi siya papayag na ganoon ang mangyayaring hindi siya payagan nitong umalis ng bansa. Kaya nga siya pumunta r'on dahil sa desisyon niyang magpagamot sa n

