"WALA ka man lang bang sasabihin, Farrah? Hindi mo ba ipagtatanggol ang sarili mo tungkol sa mga sinabi sa akin ni Marissa?" muling untag sa kaniya ni Paulo sa katahimikang namagitan sa kanilang dalawa. Hindi niya kayang itanggi ang mga larawang 'yon at natatandaan niya ang sandaling iyon. Ang hindi niya magawang paghandaan ang posibleng may makakita sa kanilang dalawa at mag-isip ng hindi maganda. "Hindi ko itatanggi 'yan, Paulo. Dahil alam ko sa sarili kong mali ang ginawa ko," aniya. Umiwas ng tingin sa kaniya si Paulo. Sa mga mata nito nandoon ang hindi maipaliwanag na nararamdaman dahil sa mga bagay na nalaman nito para sa kaniya. Napakagat-labi na lamang siya at wala na ibang nais pang sabihin para dito tungkol kay Rio. "Alam mong kilala ko siya, Farrah. Alam kong alam mo na ma

