UMUWING mag-isa si Farrah. Ang pangako ni Paulo sa kaniyang susunduin siya sa araw na 'yon ay hindi nangyari. Basta na lamang itong hindi nagparamdam sa kaniya, matapos nilang mag-usap nang tawagan niya ito bago nagpaalam ang mga kaibigan niyang umuwi na. Ilang oras niya ring hinintay na tawagan siya nito ulit. Iyon nga lang hindi na ito nagparamdam pa sa kaniya, hindi niya na rin pa matawagan si Paulo kahit ilang beses niyang sinubukan. Nagpasya na lamang siyang umuwi at nandoon ang isiping baka abala lang sa trabaho ang asawa niya. Ngayon lang nangyaring nangako ito sa kaniyang hindi nito matutupad. Naiintindihan niya naman, may mga bagay lang siguro itong kailangan unahin. Hindi bale, aniya. May panahon pa siyang ipaghanda ang mga kailangan nito. Kaya uunahan niya na lamang itong

