ILANG oras na ang nakalipas, pero nanatili pa ring tiwala si Pauline sa kawalan. Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi sa kaniya ni Marissa, maging ang mga larawang pinakita nito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano nga ba ang dapat isipin sa mga nakita niya tungkol kay Rio at Farrah, wala siya sa lugar para pa-isipan ng mali si Farrah. Kung ano man ang nakita ni Marissa alam niyang may dahilan ang lahat. At wala na siyang kahit na ano'ng lakas para alamin pa ang lahat ng 'yon. Matagal niya ng binura sa buhay niya si Rio. "Kanina ka pa walang kibo," aniya ni Derek sa kaniya. Tama ito. Halos kanina pa nasa tabi niya ang binata at wala man lang siyang kibo rito. Mabuti na nga lang at nakaalis na si Marissa, kahit papano mababawasan ang kaba niya na baka malaman ni Derek ang dahilan ku

