Chapter 86

1353 Words

"MAY problema ba?" tanong ni Rio nang makalapit ito kay Farrah. Hindi siya sigurado kung sasabihin niya ba sa lalaki ang posibleng nakita niya kanina na hindi siya pweding magkamaling si Paulo 'yon. Malinaw sa kaniya ang mukha ni Paulo at kahit na ano'ng gawin niya hindi niya magawang kalimutan ito. Pero ano ang gagawin ng dati niyang asawa sa lugar na 'yon? Paano ito nakarating d'on. Imposibleng nalaman nito kung nasaan siya at kung tama man ang hinala niya--- sino ang posibleng magsabi nito dito? "Napansi kasi kita, bigla ka na lamang umalis kaya hinanap kita agad, Farrah. Okay ka lang ba? May nangyari ba?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. Umiling-iling siya bilang tugon dito. Ayaw niya rin naman bigyan ng kahit na ano'ng isipin si Rio lalo na kung may kaugnayan ito kay Paulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD