NATAPOS ang buong araw na hindi malaman ni Farrah ang gagawin. Malungkot pa rin ang puso niya at hindi niya alam kung bakit. Siguro alam niya, pero nandoon lang lungkot na sana hindi niya na lang binigyang pansin kanina. Sana hindi siya na-disappoint ng sobra ngayon sa sarili niya sa mga inaktong hindi tugma sa dapat niyang maramdaman. Napagtanto nyang punong-puno pala ng pangungulila ang puso niya para sa lalaking pnili niyang pakasalan, sa pag-aakalang lahat ay magiging maayos sa kanilang dalawa noon. Sadyang hindi mo lang talaga hawak ang panahon, kahit siya mismo hindi niya rin naman inaasahan na mawawala sa kaniya si Paulo ng gan'on kaaga at hindi lang basta nawala ito sa kanya-- kundi may ibang babaeng sangkot na hindi niya pa rin kayang tanggapin hanggang sa mga sandaling 'yon. Sa

