[ GOTCHA? ] MASAYA akong natapos ang nais ni Rio, simpleng eternity symbol lang naman ang ni-request nito mula sa akin. Aminin ko man o hindi sadyang nasayahan ako, dahil ako ang napili nitong magtinta para sa kaniya. Isa nga 'yong opurtunidad kung tutuusin at hindi matutumbasan ng kahit na ano'ng karangalan ang sandaling 'yon. Masaya ang puso ko lalo na si Rio na alam kong naging masaya rin, kahit papano. "You did a great job, Farrah," anito sa kaniya habang nilalagyan niya ng vaseline ang natapos niya ng gawa para dito. "Salamat naman kung nagustuhan mo," sabi niya rito. "Ang gaan ng kamay mo, wala man lang akong naramdaman kahit na ano'ng sakit sa balit ko. Thankyou, Farrah. I think it's calls for celebration, ano sa tingin niyo, Guys," baling na tanong ni Rio sa kay Miggy at Jul

