[ BANTA ] [ BANTA ] "Tingin mo basta-basta na lang akong papayagag ng ganoon, Paulo?" Napahinto si Paulo sa biglang angil sa kaniya ni Marissa. Ang buong akala siguro nito ay papayag na lang siya basta sa binabalak nito kay Farrah. "Come again, Marissa?" "Kung sa tingin mo papayag akong makakatuluyan mo ang Farrah na 'yon. Pwes! Nagkakamali ka. You know me, Paulo---" Napalunok si Paulo sa lahat ng narinig niya kay Marissa. Hindi niya inaasahan ng lubos ang mga katagang 'yon na lalabas sa bibig nito, mukhang may binabalak pa ang babae tungkol sa plano niya sa relasyon nila ni Farrah. "Don't ever dare! Dahil hindi mo rin kaya ang lahat ng kaya kong gawin para kay Farrah, Marissa!" banta niya rito. "Hindi ako mag-aatubiling hadlangan ang kahit na sinuman ang magtatangkang sirain ang r

