[PART] ARAW ng sabado, dumating na ang araw na hinihintay ni Rio. Ito ang araw na gaganapin ang selebrasyon ng pagbabalik niya ng bansa. Personal niya na ring naimbita si July at Miggy kasama si Farrah, ang hindi niya lang alam kung pupunta ba ang dalaga. Pero nagsabi naman ito sa kaniya na pupunta ito, iyon nga lang hindi pa ito sigurado. Umaasa naman siya na makakapunta ito kahit sandali lang gaya nga ng sinabi nito. Hindi kasi pweding wala si Farrah. Para sa kaniya ito ang important guest niya ng gabing iyon. "Rio, handa na 'yong table sa labas. Ano'ng balak mo? Ano'ng oras ba tayo mag-uumpisa," tanong sa kaniya ni Ylla. Sa ayos nito mukhang handa na rin ang anak ng madrasta niyang si Elena. "Nag-parlor pa ako para dito ha," sambit nito sa kaniya. Umupo ito paharap sa kaniya. "Pupu

