[ PICTURE ] ANG akala ni Farrah nagbibiro lamang sa kaniya si Rio nang sabihin nitong nandoon ito sa baba at sinusundo siya. Agad niyang nakita ang lalaking nakasadal sa sasakyan nito, alam niyang si Rio ang nagmamay-ari n'on dahil sa ilang beses niya na rin itong nakitang dala ng binata nang ilang beses itong pumunta sa shop ni July at Miggy. "Bakit nag-abala ka pang pumunta rito?" ang tanong niya rito. Nagdaang-araw may usapan naman talaga sila ng lalaking huwag na siya nitong sunduin at hindi maman siya siguradong makakapunta, dahil nga hindi niya nagawang magpaalam kay Paulo. Pero ayaw niya namang biguin si Rio at pumunta ito bilang tao sa lugar nila para hindi niya ito harapin. "Sabi ko sa'yo 'diba susunduin kita. Alam mo naman may isang salita ako, Farrah. Lalo pa't gusto ko tal

