[ TATTOO ] AKALA ni Paulo magkakaroon siya ng katahimikan sa araw na 'yon nang umalis na si Marissa kasama ang Mommy Pilar niya, pero nagkamali siya nang ilang sandali lang muling bumalik ang dalaga. "Ano naman masasabi mo sa sinabi sa'yo ni tita, Paulo?" agad na untag nito sa kaniya. Nakangiting hinarap siya, minsan gusto niyang isipin kung manhid nga ba si Marissa at 'di nito maramdaman na ayaw niya sa presensiya nito but he is gentleman enough para harap-harapan ipakita sa harap nito ang bagay na 'yon. "Marami akong gustong gawin, Marissa. Kung maaari iwan mo muna ako," mahina niyang sambit sa harap nito. "Mukhang nakalimutan mo naman agad ang sinabi ni tita." "Kung sa tingin mo magugustuhan ko ang sinabi ni mommy, nagkakamali ka! I don't like the idea, Marissa. So, if I we're yo

