MALAMIG na ang simoy ng hangin nang lumabas si Farrah sa Veranda. Malapit na rin gumabi, nang tingnan niya ang relo pambisig niya trenta minuto na ang nakalipas bago mag alas sais ng gabi. Nakasuot siya ng makapal na coat ng mga sandaling 'yon, pero kahit gaano pa kakapal siguro ang suot niya nanaliksik pa rin ang lamig na nararamdaman niya sa ngayon. Winter na. Sabagay buwan na ng nobyembre kaya halos laganap na talaga ang lamig ng klima. Napasinghap siya sa ihip ng hangin, siguradong sisipunin na naman siya kung magtatagal pa siya sa labas. Binaling ni Farrah ang tingin sa unahang bahagi niya. Magaganda ang mga bulaklak kitang-kita ang mga rosas na tanim ng land lady sa lugar na 'yon. Sari-saring rosas; may dilaw, bughaw at karamihan ay pula. Nagdaang-araw umikot siya sa garden

