"Okay ka lang ba?" tanong ng dalaga kay Farrah. Pinili siyang dalhin nito sa isang mamahaling mall na madalas daw tambayan nito pag nandoon ito sa bansang 'yon. Gusto raw nitong mag-relax siya para hindi raw niya maisipang umuwi agad ng bansa. Para sa kaniha ayos lang naman 'yon. Bored na rin naman kasi siya at ilang araw na rin siya halos nasa bahay nila. She really want to escape from reality. Umupo muna siya, jetlag pa rin ang nararamdaman niya kahit ilang araw na rin nang makarating siya. "Iniisip mo pa ba rin sila?" Nagtaas ng tingin si Farrah dito. Alam niya kung sino ang tinutukoy ng dalaga. Umupo rin ito paharap sa kaniya, sa isang coffee shop na pinili nila. "Sino'ng sila?" maang-maangan niyang tanong dito. "Sino pa nga ba, kundi si Marissa at Paulo? Iyong mga ginawa nila

