MAAGA natulog si Farrah nagdaang gabi nang manggaling sila sa mall ni Ylla. Maayos naman ang naging pahinga niya at naging mahimbing naman ang tulog niya. Parang napagod sila ng sobra sa ginawa nilang gala ni Ylla. Gumising lang siya ng maaga dahil na rin siguro naninibago pa ang katawan niya sa oras. Hindi muna siya bumangon, sinadya niyang magpahinga pa ng ilang minuto. Hanggang sa mawala ng tuluyan ang tamlay na nararamdaman niya. Kahit na pilitin niya mang pumikiy ulit para matulog kahit ilang minuto na lang ay hindi niya rin magawa na. Tiningnan niya ang cellphone niya. Wala naman siyang kailangan tingnan d'on dahil lahat ng social apps nya pinili niyang burahin. Ayaw niya rin kasi magkaroon pa ng kahit na ano'ng balita kay Paulo; isa na rin 'yon sa paraan niya para makalimutan

