INAYOS na ni Farrah ang lahat sa mesa, bago niya tinawag si Ylla. Nagpaalam ito sa kaniyang maliligo lang saglit. Masaya niyang hinanda ang pagkain nilang dalawa para sa pagbalik ng kaibigan kakain na lang sila. Pinaikot ni Farrah ang tingin sa paligid. Maganda ang bahay, lalo na ang tanawin sa labas na kitang-kita mula sa kung saan siya ngayon. Dahil sa mga salamin na nagsisilbing dingding ng buong villa. Maganda talaga sa ibang bansa, aniya ng isip niya. Bukod kasi sa tahimik at lahat ng buhay ng tao ay pawang may pribadong mundo, hindi rin makakaila ang lahat ng tanawin na nakakagaan ng pakiramdam sa pag gising mo pa lang sa umaga. Hindi sa iniisip niyang masaya na siya sa bansang 'yon, kahit papano gusto niya pa naman umuwi lalo na sa kasal ni Miggy at July ngayong taon. Bigla ni

