"KAMUSTA kayo ni Paulo?" tanong ni Miggy kay Farrah. Pagod niyang pinatong ang bag niya sa ibabaw ng counter kung nasaan si July at abala sa mga ginagawa nito. "Okay naman kami, sa akin nanan umuuwi kahit papan," sabi niya. Narinig niya ang palitan ng tawa ni July at Miggy. Kahit siya natatawa na lang sa sarili niya, wala rin naman siyang tinago kay Miggy at July sa pagsasama na nayroon sila ni Paulo. Una pa lang hindi rin nanan nagkulang ang mga ito sa kaniyang paalalahanan siya na mahirap ang sitwasyong mayroon silang dalawa. Pero dahil mahal niya si Paulo at halos kay Paulo na umikot ang buong buhay niya, pinanindigan 'yon ni Farrah. Umaasa pa rin naman siya na magiging maayos ang lahat sa kanilang dalawa. "Umaasa ka pa rin?" seryosong tanong ni Miggy sa kaniya. "Baka kasi m

