[ M O M E N T S ] MAAYOS na nakarating ang mag nobyo sa Boracay. Naroon sioa ngayon sa isang magandang hotel na hinanda ni Paulo para sa kanilang dalawa. Hindi niya inaasahan ang lahat ng mga hinanda ng nobyo niya para sa kaniya; mayamaan si Paulo kaya alam nyang lahat ay kaya nito, pero ang ihanda ng lalaki ang lahat ng 'yon ng ganoon kabilis ay hindi maiwasang mamangha ni Farrah at same time nandoon ang lungkot dahil wala man lang siyang naitulong dito. Bitbit ang dalawang may kalakihang maleta, hinatid sila ng isang room boy sa isang may magarang silid na para sa kanilang dalawa ng nobyo nya. "Tired?" tanong sa kaniya ni Paulo nang magalang nang nagpaalam ang binatilyong naghatid sa kanilang dalawa. "Hindi naman gaano. Ikaw ba? Okay ka lang? Sabihin mo lang sa akin kung may kailan

