HINDI mapakali si Marissa sa nalaman niya mula sa sekretarya ni Paulo. Umalis daw ang lalaki at tumungo ng Boracay at ang hindi niya napaghandaan at ang kasama nito ay si Farrah. Hindi man lang ito nagpaalam sa magulang nito maging kay Pauline. Halos uminit ang bumbunan niya sa masamang balita na sinabi sa kaniya ng sekretarya ni Paulo. 'Kasama pa talaga nito ang Farrah na 'yon? At ano naman ang gagawin nila sa Boracay huh?!' inis na tanong ni Marissa sa sarili. Gusto niya pa sana magtanong ng ilang bagay dito kung ano ang dahilan kung bakit kailangan pumunta ng mga ito sa Boracay. Mukhang sekreto yata ang lahat, dahil kung hindi malamang ay nakuhang magpaalam ni Paulo kahit man lang sa nanay nila--- but no! Dahil alam niya at sigurado siyang walang alam ang Tita Pilar niya sa ginawant

