TAHIMIK ang buong paligid. Mag-isang gising si Farrah, kanina pa mahimbing ang tulog ni Paulo sa tabi niya. Napagod din talaga siguro ito ng sobra sa ginawa nitong paglunoy, hinayaan niya na rin itong mauna nang matulog. Pinili niyang sa sala muna, doon muna siya hanggang sa dalawin siya ng antok. Hindi niya alam kung bakit gusto nyang mapag-isa, wala naman silang problema ni Paulo. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Farrah nang mapatingin siya sa labas ng bintana. Wala siyang ibang natatanaw kundi kadiliman sa labas, napakalalim na rin ng gabi. [S'an ka? Wala ka yata sa shop niyo?] text message na natanggap niya mula kay Rio. Nabaling ang tingin nya sa dahon ng pinto sa silid na inookopa nila ni Paulo. Hindi alam kung sasagutin ba ang text message na natanggap niya m

