MAAGANG nagising si Farrah para ipaghanda ng makakain si Paulo. Mahimbing pa rin ang tulog nito sa tabi niya nang magising siya, parang napagod yata ng sobra ang lalaki. Napailing-iling na lang siya sa naging habit ni Paulo sa Isla, hindi naman ito ganoon noong nasa Manila pa silang dalawa. Siguro dahil maganda lang ang panahon sa lugar na kung nasaan sila ngayon, sabagay ilang araw na lang araw na ng mga puso kaya mas mararamdaman mo talaga ang lamig ng paligid. Plus the fact na malakas pa ang aircon ng hotel kung nasaan man silang dalawa ngayon ng katipan niya. Hindi na rin sika nakapag-usap masyado ng magpaalam itong maunang magpahinga kaysa sa kaniya, kaya nga hindi niya pa natatanong ang ilang bagay na kailangan niyang malaman tungkol sa preparasyon ng kasal nila. Naghanda lamang s

