[PAGHAHARAP] NATIGILAN si Farrah sa akma. niyang gagawin nang marinig mula kay Paulo kung sino ang mga dumating sa hotel na kinaroroonan nilang dalawa. Hindi niya akalaing si Marissa ito at ang mommy niya nang tuluyan nitong buksan ang pinto. "Tama nga ang hinala kong nandito ka, Pau," bungad ng mama nito. Iniwas ni Farrah ang tingin niya nang mapansin niyang sa kaniya ito nakatingin, kasunod si Marissa na animo nakabuntot dito, kasunod din si Paulo na hindi maipaliwanag kung ano ang ginagawa ng mga ito roon at kung paano nalaman ng mga ito ang lugar na kinaroroonan nilang dalawa ni Paulo. "You also here, Farrah. What is it vacation trip?" mataray na tanong ng mama ni Paulo dito. Hindi inaalis ang tingin ganoon din si Marissa sa kaniya. Lihim siyang napalunok at napatingin kay Paulo,

