[ PAULO ] "HINDI totoo ang sinasabi mo, Pauline!" mariing sabi ni Paulo kay Pauline sa mga sinabi nito sa kaniyang nakita nito si Farrah sa isang party. Hindi magagawa sa kaniya ni Farrah ang mga bagay na 'yon, kilala niya ang kasintahan niya. Wala itong lakad na hindi nagpaalam sa kaniya. Lalo pa sa mga sinasabi ni Farrah, alam ng dalaga na magiging problema lang sa kanila ang mga bagay na iyon. "Bakit ba ayaw mo maniwala, Paulo? I saw her. Hindi ako pweding magkamali sa nakita ko. Siya 'yon, Pau si Farrah 'yon," pagpipilitan nito. Napailing-iling si Paulo, gusto niyang tawagan si Farrah para makasigurado sa sinasabi ng kapatid niya. Alam niya mga ganitong oras tulog na ang girlfriend niya. Ayaw niya rin naman isturbuhin ang kasintahan niya sa oras ng pahinga nito. Malalim na ang ga

