SAYAW NAKITA ni Farrah ang sariling sayaw ni Rio, malamyos ang tugtugin na pumapailanlang sa palaigid. Hindi niya alam kung paano sila nagpang-abot sa sandaling 'yon, wala rin siyang natatandaan gaano. Dahil na rin siguro sa ilang naiinom niya. Kung tutuusin kaunti pa lang naman ang nainom niya; tatlong shot lang ito ng red wine. Ayaw niya rin naman subukan ang hard drink kahit ano'ng pilit sa kaniya ni Miggy at July. Pinagbigyan niya lang ang mga kaibigan para matahimik na rin ang mga ito sa kaaalok sa kaniya, kanina niya pa nga tinatanong ang dalawa kung uuwi na sila. Gayong hindi niya rin naman kayang umuwing mag-isa sa ganoong sitwasyon na. "Nag-enjoy ka ba, Farrah?" tanong sa kaniya ni Rio. Hindi niya inabala ang sariling magtaas ng tingin dito, pinanitili niya ang tingin ni

