[ EX ] SINUNDAN pa ng tingin ni Farrah ang papalayong sasakyan ni Pauline. Hindi siya pweding magkamaling ang kapatid iyon ni Paulo. Binalot ng takot ang puso niya kung nakita ba siya nito? Maaari hindi siya pweding magkamali. "Namumutla ka, Farrah. Okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong sa kaniya ni Rio. Napatingin din sa kaniya ang mga kaibigan niyang si July at Miggy. Kilala siya ng mga kaibigan niya kung kailan siya okay o hindi at sa mga pagkakataong 'yon alam niyang hindi maganda ang nararamdaman niya. Kung nakita nga siya ni Pauline, posibleng isumbong siya nito kay Paulo. Iyon ang hindi pweding mangyari, ano na lang ang sasabihin sa kaniya ni Paulo? Sabi niya nga kailangan niyang unahan ito, pero heto at kapatid mismo nito ang nakakita sa kaniyang hindi niya pwedi

