Entry # 1

1376 Words
“MALUSAW naman si Jonathan kakatitig mo.” Hinawi ko ang kamay ni Sky na humarang sa mukha ko. “Huwag ka nga, Sky. Ito lang ang chance ko ngayong araw na makita siya, `no!” Nakasunod ang mga mata ko sa bawat galaw na ginagawa ni Jonathan. Walang galaw na hindi ko nakikita. Kailangan detalyado kong makikita ang lahat. Kahit na ang mabilis na pagkurap ng mga mata n’ya ay nakikita ko. Tila ba kasi nag-slow motion siya tuwing pinapanood ko. “Ano ba kasi ang mayroon sa Jonathan na `yan?” tanong ni Sky. “Guwapo siya, ikaw hindi. Matangkad siya, medyo matangkad ka lang. Moreno siya, maputi ka. Wala siyang tigyawat, ikaw mayroon,” sagot ko sa kanya. “Seryoso? Kailangan talaga sa akin ikumpara? Iiwan na kita d’yan, may klase pa ako.” Tinanguan ko lang siya at inangat ko ang kanang kamay ko na para bang sinesenyasan siya ng ‘Sige, umalis ka na. Bye!’. Kahit mabilis na sulyap ay hindi ko nagawang ibigay kay Sky dahil okupado ang mga mata ko sa panonood kay Jonathan. Maiinis lang naman `yan si Sky sandali, pero kaunting lambing ko lang d’yan ay ayos na ulit kami. “May klase ka rin.” Hinatak n’ya ang bag pack ko na nakasabit sa likuran ko pataas para maitayo n’ya ako sa pagkakaupo ko. Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko kay Jonathan kahit kinakaladkad na ako ni Sky papunta sa klase ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sky kaya umayos na ako nang tayo at paglalakad. Naglakad ako nang medyo mabilis para malampasan ko siya at saka patalikod akong naglakad. Magkaharapan na kami. Ngumiti ako sa kanya. Umiwas lang siya nang tingin. “Sorry na, sumobra na naman ako,” hingi ko nang paumanhin at saka nag-puppy eyes sa kanya. “Patawarin mo na ako, please? Promise sa susunod, 15 minutes ko na lang siya titingnan,” sabi ko sabay angat pa ng kanang kamay ko tanda ng pangako ko. Inismiran n’ya lang ako at saka nilagpasan. Sumobra na naman ba ako? Wala pa naman yatang 30 minutes `yung ginawa kong panonood kay Jonathan, e? Tiningnan ko `yung relos ko. 3:12 pa lang naman pala. “Hala! Kaya pala naiinis si Sky, three minutes na lang hindi na kami papapasukin sa klase namin!” sigaw ko. “s**t! Sky, saglit! Hintayin mo ako!” HINDI ako makapagsalita dahil sa sama nang tingin sa akin ni Sky. Hindi kami umabot sa klase namin. Sarado na ang pinto nang makarating kami sa classroom. “Sa susunod nga huwag mo na akong isasama sa pang-stalk mo kay Jonathan, lagi na lang ako nadadamay sa iyo, e. Tingnan mo ngayon, hindi ako naka-attend sa klase natin! Tss,” inis na sabi n’ya. Nanliit ako sa inuupuan ko. Alam ko naman, e. Hindi lang naman ito ang unang beses na nadamay siya sa pagka-late ko. Hindi ko na nga alam kung ilang beses, e. Buti na lang nga ay hindi umaabot sa limang beses sa isang subject ang hindi namin napapasukan sa loob ng isang semester dahil kung hindi ay malamang drop na kami sa subject namin. Tumayo si Sky sa kinauupuan n’ya kaya bigla rin akong napatayo. “Uuwi na ako, wala na naman tayong klase mamaya, e.” Napakagat labi ako. Halatang inis pa rin siya. “Sorry na, Sky. Huwag ka na muna umuwi, please? May game pa mamaya sila Jonathan, manood muna tay—” Hindi ko na ituloy `yung sinasabi ko dahil tiningnan ako nang nanlilisik na mata ni Sky. Kapag gan’yang lumiliit na ang medyo bilugan n’yang mata ay tumitiklop na ako. Isa si Sky sa patunay na nakakatakot magalit ang mga taong tahimik. Sinukbit ko ang backpack ko at inayos ang sarili. Inangkla ko ang braso ko sa braso n’ya. “Halika na, Sky. Uwi na tayo. Nakaka-bored na naman dito,” aya ko sa kanya. Inalis n’ya ang braso ko sa braso n’ya. “Akala ko ba may panonoorin ka? Ba’t hindi mo na lang panoorin muna `yon, kaysa umuwi ka kaagad?” walang ganang sabi n’ya. “Ey! Ano ka ba naman, Sky? Mas pipiliin ko bang manood ng basketball kaysa makasabay kang umuwi? Saka hindi naman magaling maglaro si Jonathan ng basketball. Guwapo lang siya.” “Oh, Jonathan!” Nataranta akong lumingon sa likuran ko nang tawagin ni Sky si Jonathan. Hindi na ako nakapag-isip yumuko na kagad ako at humingi nang paumanhin. “Sorry! Sorry! Hindi ko talaga gustong sabihin `yung sinabi k… e?” Napatingin ako kay Sky. Ang lakas lakas kasi nang tawa n’ya. “Bakit ka tumawa?” Lumapad lang ang ngiti sa labi n’ya. Tumalikod ako at haharapin na sana si Jonathan. Pakiramdam ko ay umusok ang ilong ko nang wala akong makitang Jonathan sa harapan ko. Nagdabog akong naglakad palayo sa kanya. Hobby n’ya `yan. Alam n’ya kasing natataranta ako kapag nababanggit n’ya si Jonathan. Bakit kasi kailangan close sila tapos kami hindi? Kainis. “Hoy! Saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Sky nang maabutan n’ya ako. “Uuwi na ako, saan pa ba?” inis na balik ko sa kanya. Inakbayan n’ya ako at saka hinila papunta sa ibang direksyon. “Halika na, manood na tayo nang laro ni Jonathan.” Automatic na lumapad ang ngiti sa mga labi ko. Okay na ako. Hindi na ako inis sa kanya. Bawing bawi na! Blog Post #54: He lost the game. Hay. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. For the first time natalo si J sa laro nila ng basketball. May balat siguro sa puwet si S? Kasi kapag nanonood naman ako noon ng hindi ko siya kasama nananalo sila J, bukod tangi lang ngayon na kasama ko si S hindi sila nanalo. Pero kahit ganoon. Ang guwapo pa rin n’ya. Kahit tumatagaktak na ang pawis n’ya parang mukha pa rin siyang presko. Ang suwabe ng bawat kilos n’ya. `Yung pagpasa n’ya ng bola sa kasamahan n’ya.,. ang astig lang! `Yung pag-shoot n’ya ng bola? Da best! Swak na swak, e! Alam niyo `yon? Pak kung pak! Hindi na talaga nakakapagtaka kung makukuha `yon sa PBA. Kailan kaya kami magkaka-moment na dalawa? Si S naman kasi ayaw akong tulungan. Hindi naman daw kasi sila ganoon ka-close. Nagkataon lang na nagkasama sila dati sa basketball. Noong nagsawa kasi siya sa paglalaro umalis siya kagad sa varsity, sakto naman noon pa lang naging regular si J. Kung titingnan mo parang kaya lang naging regular si J kasi umalis si S. Replacement ba siya. Pero kahit replacement lang si J, magaling talaga siya, okay? Mas magaling lang talaga siguro si S kasi kahit na pareho lang sila ng year level mas nauna pa rin maging regular si S. Ngayong nababanggit ko si S, ever since pala noong umalis siya sa basketball hindi ko na ulit siya nakitang naglaro no’n. Sayang. May talent pa naman siya. Teka. Teka. Bakit napunta na kay S ang usapan? Si J, `di ba? Hahaha. Sorry, minsan kasi talaga ang random ko, e. Anyway, `ayun na nga. Sana pumayag na si S na ilakad ako kay J. Malapit na kaming gr-um-aduate, `yung pagsinta ko olats pa rin. :( You have one new follower: Commenter. Commenter commented on your Blog Post #54. For the first time after 53 blog post ngayon lang may nag-follow at nag-comment sa blog ko. Paano n’ya ako nahanap? Commenter: Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa nang paraan para magka-moment kayo? You need to take the risk to get the biscuit. ;) You need to take the risk to get the biscuit? Huh? Pati, bakit ako ang unang mag-te-take ng move, e, babae ako? `Di ba dapat lalaki ang gumagawa ng first move? Duh? Minsan na nga lang may mag-comment, wala pang kuwenta ang i-c-in-omment. Tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD