Entry #4: Mirror of Memories

1540 Words
NAGISING ang natutulog kong katawang lupa nang marinig ko ang pag-ring ng cellphone ko. Kinapa ko siya sa night stand sa tabi ng kama ko pero hindi ko makapa. Dinilat ko ang isang mata ko at saka tiningnan ang night stand. Wala talaga doon ang cellphone ko. Bigla kong naalala na nilagay ko pala sa ilalim ng unan ko kagabi. Pinikit ko ulit ang isa kong mata at kinuha ang cellphone sa ilalim ng unan ko. “H-hello?” inaantok na sagot ko. “CK, may nakabili na no’ng hide out!” Mabilis na napatayo ako dahil sa narinig ko. Hindi ko na kailangang manghula kung sino ang tumawag dahil siya lang naman ang tumatawag sa akin na CK at siya lang naman ang nakakaalam noong hide out. “s**t, Sky! Paano na `yung mirror of memories natin?” Hindi ko na inalintana ang itsura ko. Alam kong sabog sabog pa ang itsura ko. Malamang ang buhok ko ay taas taas. Malamang din ay may morning glory pa ako sa gilid ng mga mata ko. Pero emergency ito at wala na akong panahon para ayusin muna ang sarili ko. Pagbaba ko ay nakita ko si Kuya Marco. Lalagpasan ko na sana siya pero alam kong tatawagin n’ya ako kaya huminto ako sa harapan n’ya. “Hi, Marco. Good morning. Hope you’ll have a wonderful day. I’m going out, see you later,” sunod sunod na sabi ko. Hindi ko na alam kung paano ko nasabi `yon ng hindi manlang humihinto. Pakiramdam ko ay kakapusin ako nang hininga dahil doon. “Keight, where are you going?!” narinig kong sigaw n’ya noong nasa labas na ako. Mamaya na lang kami mag-usap. Mas importante `to kaysa sa kanya. PAGDATING ko sa hide out nakaupo sa tabi ng mail box si Sky. May mga tao na rin na naglalabas ng mga naiwang gamit sa loob. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Mawawala na talaga `yung hide out sa amin. Oo, hindi naman kasi talaga siya sa amin. Pero hindi ko in-expect na mabilis mabibili `to. Akala ko ay aabutin pa ng taon. Kung alam ko lang sana ay tinanggal na namin `yung mirror of memories namin. Lahat nang masasayang pangyayari sa amin ni Sky nakasulat doon. Lahat ng importanteng araw nandoon. “CK,” tawag sa akin ni Sky. Pinunasan ko muna `yung mga luha ko bago ko siya hinarap. “Hindi na ba natin sila p’wedeng pigilan? O baka p’wede nating hingin `yung salamin? Kahit `yon lang.” “Ayaw nilang ibigay, e. Utos daw nang bagong may-ari na iwanan sa loob `yung salamin.” “H-Huh?! Bakit iiwanan `yung salamin sa loob?” gulat na tanong ko. “Maganda raw kasing i-display pa. Nakakapanghinayang daw kung aalisin.” “P-pero sa atin `yun, e! Nandoon lahat nang alaala natin, e. Nandoon lahat, Sky!” umiiyak na sabi ko at saka niyakap siya. “Bilhin natin, please?” “Sir, nailabas na po namin lahat `yung mga sinabi niyong ilabas namin. Ano po ang gusto niyong gawin namin doon?” tanong ng isang lalaki. Sa amin ba siya nakatingin? Bakit sa amin n’ya sinasabi? Tumingin ako sa likuran namin, wala namang ibang tao. “E, Kuy—” “A, sige, Kuya. Kayo na ang bahala d’yan. Ibenta niyo kung gusto niyo. Maraming salamat.” Napatingin ako kay Sky para siguraduhin kung siya nga `yung nagsalita. “B-bakit…?” Tumatawa na si Sky nang mag-sink in sa akin ang ibig sabihin ng lahat. “s**t ka.” “Bakit kasi ang cute mo kapag umiiyak ka?” tumatawang tanong n’ya. Tinulak ko siya palayo sa akin at tiningnan siya nang masama. “Letse ka. Akala ko talaga mawawala na `yung mirror of memories natin,” inis na sabi ko. “P’wede ko ba naman bang hayaan `yon? Pati, maganda naman `tong bahay, e. Sayang nga at iniwanan ng dating may-ari.” Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa loob. Unang una ko talagang pinuntahan ay `yung salamin. Kinuha ko kaagad `yung permanent marker sa gilid at nagsulat. 141123: Yey! Forever na `tong mirror of memories natin! Thank you, Sky. Da best ka talaga, e! :D Tinitigan ko ulit ang mga memories na nakasulat doon. Napangiti ako. Akala ko talaga mawawala na ng tuluyan ang mga alaala na ito. Kung para sa iba ang nagsisilbing keepsake ng mga alaala nila ay litrato, ito ang sa amin ni Sky. Walang ibang katumbas `to dahil nag-iisa lang `to sa buong mundo. Nasira ang moment ko nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Kuya Marco. Nag-isip muna ako ng ilang segundo bago ko sinagot. “Yes, Marco?” sabi ko kagad pagkasagot ko. “You happy now?” tanong n’ya. “What do you mean, I’m happy now?” kunot noong tanong ko. “I bought the house for you. Ulap didn’t tell you?” Napangiti ako sa tawag n’ya kay Sky. `Yung pangalan lang kasi ni Sky ang sinasabi n’yang tagalog word unless kailangan na kailangan lang talaga. “Give him the phone,” seryosong sabi n’ya. Pagtalikod ko sakto namang nandoon na si Sky. Inabot ko sa kanya `yung cellphone ko at sinenyasan ko siyang lagot ka. Nag-mouth pa muna siya sa akin ng ‘why?’ bago n’ya kinuha ang cellphone. Bumalik ulit ako sa mirror of memories namin at hinayaan ko muna silang mag-usap dalawa. So, hindi lang pala dapat si Sky ang pasalamatan ko dahil si kuya pala ang bumili nitong bahay. Pero paano n’ya nalaman na importante `tong bahay sa akin? E, kami lang naman ni Sky ang may alam nito. Hindi kaya… “Sky, sinabi mo ba kay kuya ang tungkol dito sa hide out natin?” tanong ko sa kanya nang ibalik na n’ya sa akin ang cellphone ko. “Sinabi ko lang sa kanya kung ano ang dapat n’yang malaman. Hindi ko naman dapat sasabihin sa kanya, kaya lang kasi kulang `yung pera ko. Ayaw pa kasi ibigay ni Papa `yung mamanahin ko kaya humingi ako nang tulong sa kuya mo. Nakapangalan sa ating dalawa `tong bahay,” tiningnan n’ya ang phone na hawak ko, “Kailangan mong magpasalamat sa kanya.” “A, oo nga pala,” tinapat ko sa tainga ko ang cellphone, “Thank you, Marco. I’m really happy. I love you,” malambing na sabi ko sa kanya. “Of course, anything for my princess. I’ll see you later, okay? I’m going to work. I love you, Keight.” “Hi! Ako `yung nakatira d’yan sa kabilang bahay. Napansin kong bagong lipat kayo. Ako nga pala si Kelvin, welcome to the neighborhood,” nakangiting bati sa amin ng isang guwapong lalaki na sumalubong sa amin pagkalabas namin ng hide out. Shit. I think I like him already. s**t. Blog Post #66: After J is K. Alam kong sinabi ko noong nakaraan sa mga post ko na namomoblema kami ni S dahil ang aming hide out ay ‘for sale’ na. Kasi nga, `di ba nag-trespass lang namin kami doon. Hahaha. Pero ngayon, problem solve na. Salamat sa kalahati ng inheritance ni S at sa mabait kong kapatid. Kung hindi dahil sa kanila lahat ng iniingatan namin doon ay mawawala na lang ng parang bula sa amin. Niloko pa ako kanina ni S. Pinaiyak muna n’ya ako bago n’ya sinabi sa akin na sa amin na `yung bahay. Minsan talaga hindi ko alam kung best friend ko ba talaga siya o hindi, e. Pero kahit ganoon naman `yon mahal ko pa rin `yon. Hahaha. Kasi siya lang naman ang natatanging tao na nakakatiis sa akin lalo na kapag may saltik ako. Sana lang huwag muna siyang maggi-girlfriend. Baka hindi na n’ya ako pansinin kapag may ibang babae na siyang pagbubunuan ng panahon n’ya. Hindi naman sa selfish ako. Pero sanay kasi ako na laging nandiyan si S para sa akin. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na hindi masyadong naka-depende sa kanya? Paano nga kung dumating na `yung panahon na may sarili na siyang love life? Hmm. Anyway, after ng letter J sa alphabet mayroong K. Hahaha. Since sa amin na nga ang hide out. Hindi na siya bakanteng bahay. Okupado na namin siya. Technically, hindi man kami doon talaga nakatira bahay na namin `yon. Kung hindi ba naman kami binubuwenas. May guwapo kaming kapit bahay. Hahaha. At siya si K. Guwapo siya. Kasing guwapo ni S o hindi. Mas guwapo si K. Lamang siya ng isa’t kalahating paligo kay S. May bago na akong crush. Hihihi. Ang landi lang. Una talagang tumitibok ang mata kaysa sa puso. Tsk. Commenter commented on your Blog Post #66. Commenter: Kailan pa tumibok ang mata? Baka pasmado `yang mata mo? >:D Nag-comment na naman ang taong walang magawa. P’wede bang alisin ang mga nag-pa-follow sa iyo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD