bc

Cut Me Warmly

book_age18+
70
FOLLOW
1K
READ
murder
revenge
dark
sex
drama
tragedy
twisted
bxg
mystery
secrets
like
intro-logo
Blurb

Image on cover photo is generated by ChatGPT. All rights reserved.

If you think you knew everything already then you're wrong. Something darker is coming.

WARNING: Contains explicit and violent scenes. Not suitable for very young readers.

chap-preview
Free preview
One: Where It All Began
Chapter 1: Where It All Began 1892 MABILIS at malalaki ang mga hakbang ni Rosa habang tinatahak ang maputik at mabatong daan pauwi sa kanilang tirahan. Kasalukuyang nagtatakip-silim ang kalangitan at makakapal ang mga itim na ulap na nagbabadya ng muling pag-ulan. Kinailangan niyang kumuha ng mga halamang gamot sa bundok at gubat ngunit pinabagal siya nang pag-ulan kanina kaya ngayon ay nagmamadali siya bago maabutan ng dilim sa daan. Hindi ligtas ang daraanan niya higit lalo sa katulad niyang babae at tinatawag na Indio. Lalo na kung malalaman ng mga itong kabilang siya sa pamilya ng mga itinuturing na manggagaway. Labis na pinag-iinitan at tinutuligsa ng Simbahang Katolika ng mga Kastila ang ginagawa nilang panggagamot gayon na rin ng iba pang Pilipino na nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral ng pormal sa mga paaralang medisina sa ibang bansa. Kaya sa mga nakalipas na mga buwan ay lagi silang laman ng mga sermon ni Prayle Dominico. Tila galit na galit sa kanila ang alagad ng simbahan at ipinag-utos sa mga sundalong Kastila na dakipin sinuman sa kanilang mahuhuling nagsasagawa ng panggagamot. Kaya palihim ang naging serbisyo nila sa mga Filipinong nangangailangan ng tulong sa takot na mahuli at mabilanggo. Kahit alam nilang wala silang intensyong masama sa pagtulong ay iba ang dating niyon sa simbahan at sa lokal na pamahalaan ng Pueblo del Rey. Ayon sa kuwento ng kanyang apo ay Banaag ang tunay na pangalan ng kanilang bayan ngunit nang dumating ang mga Kastila ay pinalitan iyon. At simula niyon ay marami na nga ang nagbago sa bayan nila. Pang-aalipusta, pang-aalipin at puno ng paghihirap. Ngunit uminam ang lahat ng iyon nang isang peninsulares ang umibig sa isang dilag na taal ng Banaag. Ang peninsulares na iyon ay siya ring bagong gobernardorcillo ng pueblo. Kaya kahit marami ang nagbulong-bulungan at kumontra sa relasyon nila ay natuloy pa rin sa kapilya ang dalawa. Mula sa dalawa nanggaling ang karamihan ng mga insulares na naninirahan sa pueblo na siya ring may hawak ng kapangyarihan sa gobyerno. Bagamat marami sa mga insulares ang nakapangasawa ng mga peninsulares upang palabnawin ang dugo ng mga itinuturing ng mga itong Indio ay marami ring insulares ang nakapangasawa ng mga taga-Banaag. Isa iyon sa pinakamalaking dahilan kung bakit natigil ang pang-aabuso ng mga Kastila sa maraming taga-Banaag at mas may kalayaan na ngayon ang mga mamamayan na nakatira sa pueblo kompara sa ibang panig ng Pilipinas. Hindi rin sila gaanong konektado sa ibang lugar dahil isang isla ang buong pueblo at limitado ang kalakalan dahil na rin sa pagnanais ng pamilya ng gobernadorcillo. Kahit na masasabing mas mabuti ang lagay nila ay hindi pa rin nabubura ang mga limitasyong pwede nilang magawa dahil pagbalik-baliktarin man ang sitwasyon ay mananatili silang Indio sa paningin ng mga ito. Napatigil sa matulin na paglakad si Rosa nang makarinig ng mga tinig at kaluskusan. Nagtago siya sa tabi ng isang malaking puno at nagmatiyag. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang kaibigang si Lorena. Palabas na sana siya upang salubungin ito nang mapansin niya ang kasunod nitong lalaki. Si Manuel iyon, isa sa mga apo ng kasalukuyang gobernadorcillo. Labis ang kanyang naging pagtataka kung bakit magkasama ang dalawa at magkahawak-kamay ang mga ito! Pinigil ni Rosa ang mapasinghap sa labis na pagkabigla sa natutunghayan. Hindi siya nakakilos at hinayaan ang mga itong makalagpas sa pinagtataguan niya. Nang makahuma ay sinilip niya ang dalawa. Tila may pupuntahan ang mga ito at malabis ang kanyang pagnanais na malaman iyon. Dahil alam niyang si Lorena ay nakatakdang ikasal kay Rafael. Si Rafael na anak ng Cabeza de Barangay at siya ring lihim niyang minamahal ngunit ang kaibigan niya ang pinag-alayan nito ng puso. Sinundan niya ang dalawa at binale-wala ang takot sa pagbalot ng dilim ng gabi. Humantong ang dalawa sa isang ilog. Nakita niyang hinila ni Manuel ang isang maliit na bangka sa tubig at sumakay ang mga ito roon. Magtatanan ba ang dalawa? Ngunit hindi naman nagsagwan ang mga ito at nandoon lang sa ibabaw ng tubig habang may pinag-uusapan na hindi niya marinig mula sa kinatatayuan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang maghalikan ang dalawa at unti-unting maghubad ng saplot. Nangaligkig siya sa nakikita at pinantayuan ng balahibo. Nagsimulang umalog-alog ang bangka sa pagsasanib ng dalawa. Tumalikod na siya sa panririmarim, hindi niya kayang patuloy na panoorin ang mga ito. Napakarumi ni Lorena. Hindi na ito birhen. Hindi ito tunay na mahinhin at mabining dilag. Kinikilabutang mas bumilis ang mga hakbang niya hanggang sa maging lakad-takbo iyon. Nang makarating siya sa kanilang tahanan ay halos pugto ang kanyang hininga at sunod-sunod ang paghabol niya roon. Sasabihin ba niya kay Rafael ang nakita? KALAT na ang dilim sa paligid nang kasalukuyang iyon. Tanging mga huni ng mga ibon ang maririnig at mga kuliglig sa katahimikan ng gabi. Sa tabi niya ay isang napakagandang dilag ang nakahubad. Hinawi niya ang buhok nitong tumatakip sa mayabong nitong dibdib. Tila nahiya ito at lumabas ang pagkayumi sa mukha. Itinaas niya ang baba nito at marubdob na inangkin ang mga labi nitong walang kasing lambot. Umungol ito sa pagitan ng kanilang halik, mas lalong pinag-igi niya ang mga labi at tinungo ng mga kamay ang magkabilang s**o nito at pinagpala iyon. Magkakarugtong at papalakas na ungol ang namutawi sa bibig nito sa ginagawa niya. Itinulak niya ito pahiga pagkaraan at pinaghiwalay ang mga hita nito. Pumaimbabaw siya sa katawan nito, ramdan na ramdam niya ang panginginig ng laman nito at ang pagtatayuan ng mga balahibo nito sa katawan. Napuno siya ng pananabik na maangkin ang birhen at pagsawaan ang katawan nito. Muli niya itong sinibasib ng halik sa mga labi. Iniangat niya ang magkabilang hita nito at humanap ng magandang puwesto sa pagitan niyon. Marahan siyang umulos papasok dito, tinatantiya ang lagusan ng p********e nito nang bigla siya nitong itulak palayo. Natawag ng dalaga ang panginoon nito nang makaramdam marahil ng sakit. Muntik na siyang matawa subalit mas nanaig sa kanya ang pagnanais na tuluyan itong maangkin. Muling tinangkang pasukin ng sandata niya ang kuweba nito at muli siya nitong naitulak palayo ngunit hindi siya nagpatinag sa pagkakataong iyon. Ramdam na niya ang ulo ng ari sa puwerta nito kaya umulos pa siya palalim sa p********e nito. Napadaing ito ng sakit at sunod-sunod ang pagtawag sa pangalan ng diyos nito. Naririndi man ay sapat ang kasiyahang nararamdaman ng kanyang ari sa paglabas-masok dito upang balewalain ang ingay ng babae. Muli na lamang niyang tinakpan ang labi nito ng mga labi niya. Naipit sa pagitan niyon ang mga daing at ungol nito. Napuno ng pawis ang mga katawan nila sa kabila ng lamig ng gabi. Tuloy-tuloy ang pag-indayog nila hanggang sa marating nila ang kaluwalhatian. Inilabas niya ang lahat ng katas sa loob ng ari ng dalaga. Nang maubos ang nilalabas niyang semilya ay umalis siya sa ibabaw nito. Bigla namang umiyak ang babae at nayakap ang sarili. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy siya sa pinag-iwanan niya ng kanyang pantalon. Kinuha niya ang punyal doon at binalikan ang nakahigang babae, umiiyak pa rin ito. Nahiga siya sa tabi nito at niyakap ito mula sa likuran. Sa isang iglap ay nilaslas niya ang leeg nito gamit ang punyal hanggang sa tumigil ito sa paggalaw. Bumangon siya at dinampot ang puting saya nito. Nilinis niya ang punyal gamit iyon. Nang matanggal niya ang dugo sa punyal at mga kamay ay nagbihis siya. Nang makapag-ayos ay muli niyang binalikan ang wala ng buhay na dalaga at hinaklit sa leeg nito ang isang kuwintas. Ginto iyon at may malaking bato ng esmeralda bilang palawit. HINDI pa lumilipas ang bukang-liwayway ay marami na ang taong nag-uumpukan sa labasan ng kanilang lugar. Tinamaan ng kuryosidad si Rosa nang mapansing may ilang sundalong Kastila roon na pilit hinahawi ang kumpol ng mga tao. Nakasunuran niya ang dalawa pang sundalo na patungo sa kumpulan. Gumilid siya upang hindi makaharang sa mga ito at pinauna ang mga ito sa paglalakad. Bago pa man makalayo ang mga ito ay nadinig niya ang usapan ng dalawa. Hindi man siya nakakapagsalita ng Espanyol ay nakakaunawa siya kahit papaano. Sapat ang kaalaman niya sa lengguwahe upang masindak sa natanggap na balita ng kanyang tainga. Nanginginig na humakbang siya palapit sa mga kumpulan at anong hilakbot na lamang niya nang makita ang isang katawan na pilit pinagkasya ang pagkakabalot sa isang saya. Kita ang maseselang bahagi ng katawan nito dahil sa mga tastas sa tela ng saya. Halos maputol ang leeg nito sa pagkakabit sa katawan sa laki ng laslas roon. Hindi niya mamukhaan ang babae ngunit kumabog ang dibdib niya nang maalala ang kaibigang si Lorena. Lorena… Mahabaging Panginoon! “Rosa, hindi ugali ng isang dalagang Filipina ang makihalubilo sa ganitong umpukan. Halika, sumama ka sa akin.” Napalingon si Rosa sa nagsalita at maluwag na napabuga ng hangin. “Lorena,” sambit niya. Hinila siya palayo roon ng kaibigan. Naglakad sila patungo sa tirahan ng mga ito. Bago pa makarating doon ay nasalubong nila ang ilang sundalong Filipino na patungo rin sa umpukan ng mga taong nakikiusyoso sa nakitang bangkay. Pinapasok siya nito sa munting tahanan ng mga ito. Pinaupo siya nito sa salas at sandaling iniwan doon. Pagbalik nito ay may dala na itong maliit na kahon. Puno iyon ng mga tela at sinulid. “Bigay ang mga ito ng kamag-anak ni Tatang mula sa Maynila. Tuturuan kitang manahi at manggantsilyo,” sabi nito nang maupo sa tabi niya. “Kumusta ka, Lorena? Tila naging abala ka sa mga nagdaang araw at ngayon lang tayong nagkasamang muli.” “Mabuti naman ako, Rosa. Hindi ako ang naging abala, ikaw iyon. Mag-iingat kayo ng pamilya mo sa panggagamot at hindi iyon ikinatutuwa ng mga prayle.” Nagsawalang-kibo siya sa sinabi nito. Takot man ay alam niyang hindi titigil ang pamilya niya sa panggagamot sapagkat namulat sila roon. “May alam ka ba sa mga nangyayari? Bakit tila hindi ka nababahala?” “Nababahala saan?” “Sa bangkay na natagpuan kanina? Na iyon ang ikatlong bangkay ng isang babae na pinaslang?” Napasinghap ito at napahawak sa dibdib. “Saan mo naman nakuha ang balitang iyan? Ito ang unang bangkay na nakita ko rito sa Pueblo del Rey at wala akong ibang nalalaman.” “Narinig ko ang mga kastilang sundalo na pinag-uusapan iyon. Kaya mag-iingat ka at huwang magtutungo kung saan-saan lalo na sa gabi,” wika niya at binigyan ito ng nagbababalang-tingin. “Saan naman ako magtutungo sa oras ng gabi? Sa higpit nila Tatang kahit gustuhin ko ay hindi ako makalalabas sa lunggang ito. Kaya mag-susulsi, gantsilyo at mananahi na lang ako nang may pagkaabalahan.” “Mabuti iyan kung ganoon. Kumusta na pala kayo ni Rafael? Kailan ang inyong pag-iisang dibdib?” Bumuntong-hininga ito at binitiwan ang telang hawak. “Wala pa, Rosa. Wala pa at hindi ko alam,” anitong bumakas ang lungkot sa mukha. Napabuntong-hininga rin siya. Pilit binura sa isip ang nasaksihang tagpo sa pagitan nito at ni Manuel. “Sige, Lorena, turuan mo na ako kung anong gagawin. Pero hindi ako magtatagal at may kailangan pa ako tapusin sa amin.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito at sinimulan ngang ituro sa kanya ang mga paraan nito. PAGSAPIT ng hapon ay kinailangang mamili ni Rosa sa pamilihang bayan. Isang karitela ang inarkila niya upang paglagakan ng mga dala niya. Pinakisuyuan niya ang kutsero na hintayin siya sapagkat magtatagal siya sa pamimili. Papasok siya sa tindahan ng mga harina at iba pang sangkap sa paggawa ng tinapay nang makita niya ang isang pamilyar na bulto. Napansin din siya nito at ngumiti sa kanya. Lumapit ito at bumati. “Ikinagagalak kong makita ka rito, Rosa. Kumusta ka?” “Mabuti naman, Rafael. Ikaw, kumusta ka?” “Mainam ang hapon sa akin, Rosa. Saan ang punta mo ngayon?” “Dito lamang, may mga kailangan akong bilhin.” “Hayaan mo akong samahan ka kung ganoon.” “Maraming salamat.” Magkapanabay silang pumasok sa tindahan. Isang intsik ang nakabantay sa kaha roon at isang dalagang Pilipina naman ang nagtanong ng kailangan nila. Ibinigay niya ang listahan ng mga bibilhin niya at sinabihan itong guhitan ang mayroon sila upang hindi niya madoble ang pagbili sa kabilang tindahan. Habang naghihintay at nakikipag-usap kay Rafael ay muling lumarawan sa balintataw niya ang tagpong kinatatampukan nila Manuel at Lorena. Hindi niya matanggap sa sariling wala siyang lakas ng loob para ipagkanulo ang kaibigan sa kasalanang nagawa nito. Naaawa siya kay Rafael at nanghihinayang na hindi siya ang mahal nito. “Rosa, ito na ba ang lahat ng kailangan mo?” Si Rafael na binuhat ang isang kahon. Binalingan niya ang tindera at kinuha rito ang listahan ng pamimilhin niya. Kaunti na lang sa mga iyon ang kailangan niyang bilhin sa kabilang tindahan. Inabot niya ang bayad sa intsik at lumabas na sila ng tindahang iyon. Habang naglalakad papuntang kabilang tindahan ay nakasalubong nila ang mga kaibigan ni Rafael. Mga kapwa Pilipinong kalalakihan. Tila nagmamadali ang mga ito base sa mga galaw. “Saan ang tungo n’yo, mga kaibigan?” Huminto sila nito. “Sa kakahuyan. Maghahanap kami ng kayamanan,” nakatawang sagot ni Diego. “Kayamanan?” sabay na bulalas nila ng lalaki. “Oo, Rafael at Rosa. Tama kayo ng dinig. Kayamanan. Mga ginto ng mga babaeng napaslang. Nawawala daw iyon ayon sa pamilya ng mga namatayan kaya hahanapin namin at may pabuya raw iyon,” ani Mario. “Gusto mo bang sumama, Rafael?” si Pidong. “Hindi bale na lamang, mga kaibigan. Duwag ako sa mga multo,” nakatawang tugon ni Rafael at tinapik sa balikat si Pidong. Nagpaalam na rin ang mga ito at nauna na sa kanila. Nagpatuloy naman sila ng lalaki na tumawid sa kabilang tindahan. Nilinga siya nito nang makarating sila sa harap ng pintuan niyon. “Narinig mo na rin pala ang kumakalat na balita, Rosa. Kaya lagi kang mag-iingat at huwag kang lalabas nang nag-iisa lamang lalo na sa gabi.” “Huwag kang mag-alala, Rafael at hindi ko namang ugaling maglalalabas tuwing gabi. Pinagbawalan na rin ako nila Itang na umakyat sa bundok ng mag-isa o pumunta sa gubat ng walang kasama.” “Mabuti kung ganoon ngunit kung sakaling kailangan mo ng makakasama ay sabihan mo lamang ako,” nakangiting sabi nito. Parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ni Rosa. Naging mapangarapin ang tingin niya sa lalaki. Naisip din niyang kung sasabihin niya kay Rafael ang naaktuhang tagpo sa pagitan nila Lorena at Manuel ay baka sakaling magbago ang pagtingin nito sa kaibigan at huwag ng ituloy ang pagpapakasal. Maaari siyang magkaroon ng pagkakataon na patunayan dito ang pag-ibig niya. “Rosa, may ipapakisuyo sana ako kung maaari. Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Lorena, tila iniiwasan niyang magtagpo kami. Ipaabot mo sana sa kanya ang aking liham,” anito at iniabot sa kanya ang isang puting-puting sobre. Nawala siya sa pangangarap at wala sa loob na tinanggap ang sobre. Kinapa ng daliri niya ang pagkit na ginamit pansara ng liham. “Walang problema, Rafael. Makakaasa kang makararating kay Lorena ang sulat mo.” “Maraming salamat, Rosa.” Ngumiti lamang siya rito at nagpatuloy na sa pamimili. Nang makumpleto niya ang mga kailangan ay hinatid siya ng lalaki sa nirentahan niyang karitela. Nagpaalam na rin siya rito at umuwi na sa kanila. Nang makarating ay ang liham ni Rafael ang pinagkaabalahan niya. Maingat niyang tinanggal ang pagkit sa sobre at binasa ang sulat. Nang matapos basahin iyon ay hindi napigilan ni Rosa ang maluha sa rubdob ng pag-ibig na alay ng lalaki sa kaibigan niyang salawahan. Kabaliwan na marahil na tutulan niya ang kasal ng mga ito pero hindi makakayang bitbitin ng konsensya ang lihim ng kaibigan. Tinuyo niya ang mga luha at nag-ayos. Kokomprontahin niya si Lorena at kung ano man ang kahantungan niyon ay inihahanda niya ang sarili. SIESTA. Isang kaugaliang namana ng mga Pilipino sa mga Kastila. Imbes na magbanat ng buto ay binibigyang puwang ang katamaran. Iyon ang laging sinasabi ng kanyang Tatang at Nanang sa kanilang magkakapatid kaya naman si Lorena ay hindi rin natatahimik na walang ginagawa. Nagpatuloy siya sa panggagantsilyo at tuwang-tuwa siyang mas humuhusay siya roon. Ganoon din sa pananahi. Nagbabalak na nga siyang magpabili ng makina upang mas makagawa ng mga kasuotan na maipagbibili niya. Nakikinita na niya ang kikitain sa mga iyon at isang bagay lamang nais niyang paglaanan ng salaping maiipon---ang umalis sa Pueblo del Rey at magtungo sa Maynila. “Magandang hapon po! Lorena? Lorena, nariyan ka ba?” Nahinto siya sa ginagawa at tinungo ang tumatawag. Si Rosa ang nasa labas ng kanilang bakuran. Pinagbuksan niya ito at pinatuloy sa salas ng kanilang bahay. Tila aligaga ang kaibigan at hindi mapalagay. Mayamaya ay may inabot itong sobre sa kanya. Liham daw iyon mula kay Rafael. Alinlangang tinanggap niya iyon. Tila naghihintay naman itong buksan niya ang sulat at basahin. “Ano pa’ng hinihintay mo, Lorena? Buksan mo at basahin ang sulat ng iyong katipan,” susog nito nang hindi niya ituloy ang pagbukas sa liham. “Huwag kang mag-aalala, tayong dalawa lang naman ang naririto at isa pa’y ikakasal na rin kayo. Hindi ko nga mawari kung bakit kailangang sulatan ka pa niya,” dugtong pa nito. Pinagkaabalahan na lamang niya ang liham dahil hindi niya kayang sagutin ang mga namutawi sa labi ng kaibigan. Binasa niya ang sulat sa harap ni Rosa at taimtim naman itong nakinig na tila dasal para sa Diyos ang pinakikinggan nito. Nang matapos niyang basahin ang sulat ay napuno ng init ang puso niya. Alam niyang mahal siya ni Rafael. Mahal na mahal. Maraming beses nitong sinabi iyon sa kanya ng personal at ipinakita at ipinaramdam. Subalit… “Tunay at walang kasing dalisay ang pag-ibig ni Rafael para sa ‘yo, Lorena. Kaya hindi ko maintindihan kung paano mo nagawang pagtaksilan siya.” Napamulagat siya sa sinabi ni Rosa. Umiiyak na ang kaibigan sa sandaling iyon. May halong pait ang mga guhit sa mukha nito. “Ano--- Paano---” hindi siya makaapuhap tamang sasabihin. “Alam ko, Lorena. Alam ko. Nakita ko kayo ni Manuel na may ginagawang milagro sa ilog. Kung hindi mo mahal si Rafael ay sabihin mo at huwag ituloy ang kasal ninyo. Masakit ito para sa akin dahil kaibigan kita at… at mahal ko si Rafael…” Mas nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa kaibigan. Naitakip niya ang mga palad sa bibig sa pagkabigla sa isiniwalat nito. Si Rosa… umiibig kay Rafael? Hindi siya makapaniwala. “Hindi--- Mali---” “Manong! Manong!” sunod-sunod na sigaw sa labas ng bahay nila kasabay ng mga kalampag. Sabay silang napatindig ni Rosa sa kinauupuan. Lumabas naman sa silid ng mga ito ang Tatang at Nanang niya at tiningnan kung sino ang tumatawag sa labas. Si Tiyang Juana niya iyon na humahagulgol at tila wala na sa sariling katinuan. Naglulumpasay ito sa lupa. “Juana, anong nangyayari sa ‘yo?” anang ama niya na patakbong tinungo ang kapatid. “Manong, manong! Si Maryang ko! Si Maryang ko, manong! Pinatay nila si Maryang ko!” Nagkatinginan silang dalawa ni Rosa at nayakap ang mga sarili. Si Maryang ang ikaapat na dilag na nabalitaan nilang pinatay!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.8K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
52.0K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
44.3K
bc

Daddy Granpa

read
281.1K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.7K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
250.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook