Chapter 4: A Blood for a Gem
1892
NGITING demonyo. Iyon ang unang pumasok sa isip ni Lorena pagkakita sa nakangiting mukha ni Rafael. Katulad ng hiling nito sa carta na ipinakisuyo nito sa kaibigang si Rosa ay nakipagtagpo siya sa kanilang tipanan. Ang lugar ay isang kubo sa gitna ng gubat na pagmamay-ari ng pamilya nito. Maraming ala-ala roon ng mga namagitan sa kanilang dalawa. Mga ala-alang hindi niya alam kung nanaisin pa ba niyang balikan o hindi.
“Maraming salamat at nakipagkita ka na rin sa aking muli, Lorena, mahal ko… Labis akong nangulila sa iyo. Kumusta ka?” salubong nito sa kanya at niyakap siya.
Alanganing gumanti naman siya ng yakap dito. “Hindi ako magtatagal, Rafael. Ngayon ang libing ni Maryang at inaasahan nilang naroon ako. Bakit mo ba ako pinapupunta rito?”
“Ano bang klaseng tanong iyan, mahal ko?” Bumitaw ito ng yakap sa kanya at hinarap ang walang emosyong mukha niya. “Kaytagal na rin simula noong huli tayong magkasama. Gusto ko lamang na makapiling kang muli, kahit saglit.”
“Hindi ngayon ang tamang panahon, Rafael. Alam mong patay na si Maryang. Abala sa pagdadalamhati ang aming pamilya. Patawarin mo ako kung hindi kita masasamahan.”
“Alam ko, alam ko. Hindi mo kailangang humingi ng tawad. Hindi ko naman aakalaing mangyayari ito bago ipinadala ang sulat sa ‘yo. Ang balita ko ay nasa bahay ka lang ninyo at wala naman masyadong pinagkakaabalahan.”
Umismid siya. “At saan mo naman nakuha ang balitang iyan? Nais mo bang sabihing tamad ako?”
“Hindi ganoon ang ibig kong sabihin, mahal ko. Iyon lamang ang pagkakabanggit ni Rosa sa akin nang magkita kami.”
“Si Rosa? Mukhang napapadalas yata ang pagkikita ninyo? Nababanggit ka rin niya sa akin.”
Pinakatitigan siya nito na tila sinusuri ang buong pagkatao niya. Mayamaya’y bigla itong nagkaroon ng ngiti muli sa mga labi. “Naninibugho ka ba sa iyong kaibigan? Pakiusap, huwag kang mag-isip ng masama sa pagitan namin ni Rosa. Siya lang ang kilala kong malapit sa iyo maliban sa mga kamag-anak mo kaya sa kanya ako nakikisuyo.”
“Bakit naman ako maninibugho sa aking matalik na kaibigan? Alam nating nakatakda na tayong ikasal. Sa akin ka lang Rafael kaya tiyakin mong ako lang ang babae sa puso mo. Hindi ko gustong makipaglapit ka kahit sa kaninong babae, higit lalo kay Rosa,” matalim na saad niya.
Mabining sinapo ng palad nito ang pisngi niya. “Ikaw lang ang nasa puso ko at wala ng iba pa, mahal ko. Lagi mong pakatandaan iyan, kahit anong mangyari.”
“Pero sa puso ni Rosa ay nandoon ka Rafael. Inamin niya sa aking mahal ka niya. Kaya pakiusap, layuan mo siya para hindi na lumago pa ang kung anong nararamdaman niya. Pareho kayong mahalaga sa akin kaya’t ayokong malayo kahit sino man sa inyong dalawa.”
Bumadya ang pagkagulat sa mukha nito. “Wala sa aking hinagap na may pagtingin pala si Rosa sa akin. Subalit makakaasa kang ako na mismo ang maglalagay ng puwang sa pagitan namin. Patawad, mahal ko kung nagbigay ito sa iyo ng alalahanin sa gitna ng pagdadalamhati ninyo para kay Maryang,” anito at muli siyang niyakap.
“Inaasahan ko ang mga salita mo, Rafael,” aniya at kumalas sa mga bisig nito. “Mauuna na ako. Hanggang sa muli nating pagkikita.”
Tumalikod na siya at mabilis ang naging mga hakbang palayo sa lugar na iyon. Ni hindi siya lumingon sa pinanggalingan at tuloy-tuloy ang karipas ng mga paa. Nang makarating sa b****a ng kakahuyan ay sumakay siya sa kalesang naabutan pauwi sa kanilang tahanan. Kinagabihang din iyon matapos mailagak ang bangkay ng pinsan niyang si Maryang sa huling hantungan nito ay isang kagimbal-gimbal na balita ang muling gumambala sa mga mamamayan ng Pueblo del Rey. Isang naagnas na bangkay ng isang babae ang natagpuan!
“NAHIHIBANG ka na ba, Lorena!? Bakit mo ipinarating kay Rafael ang damdamin ko para sa kanya. Wala kang karapatan na isiwalat iyon kahit kanino. Pinakaingatan ko iyon at inakala kong pakakaingatan mo rin,” naghihimutok na saad ni Rosa sa kaibigan. Ayaw man niyang mapagtaasan ito ng tinig ay hindi niya mapigilan dahil sa bugso ng sariling damdamin.
Hindi niya dapat inamin dito ang nararamdaman niya sa nobyo nito. Kung hindi ba naman siya nagpadalos-dalos ay hindi niya aabutin ang ganitong kahihiyan. Sa huli nilang pag-uusap ni Lorena ay nagpaliwanag ang kaibigan niya sa tagpong nakita niya sa ilog---na hindi ito ang babaeng nakita niya at hindi si Manuel ang lalaki---kundi ang pinsan ng lalaki na si Guzman at ang lihim nitong katipan na si Margarita ang nakita niya. Si Margarita ay isa sa mga kaibigan nilang may hindi magandang reputasyon kaya iniiwasan nila.
Imposible raw na nakita niya si Manuel dahil wala raw ito ngayon sa bayan nila at nasa Espanya ito upang bisitahin ang mga kamag-anak doon. At maaari raw na namalik-mata lamang siya dahil ibinigay raw ni Lorena ang ilang mga kasuotan kay Margarita na maaaring suot nito ng araw na iyon sa ilog. Noong marinig niya ang paliwanag ni Lorena ay hindi agad siya naniwala dahil masyadong kombeniyente para dito ang mga sinabing dahilan.
Habang abala ang mga ito sa pagdadalamhati sa pagpanaw ng pinsang si Maryang ay naging abala naman siya sa paghahanap ng kasagutan. Sinadya pa niya si Margarita para tanungin ito at naging madali ang pag-amin nito sa kanya. Tuwang-tuwa pa itong ikinuwento sa kanya ang mga karanasan nito at ng lihim na nobyo. Nalaman niya rin mula rito na totoong wala si Manuel sa bayan nila dahil nasa ibang bansa ito at susunod nga roon ang pinsan nitong si Guzman.
Bagama’t nakakuha siya ng direktang sagot mula sa babae ay hindi agad siya nagtiwala. Mas nanaig sa kanya ang nakita. Kaya sa bawat taong magpapagamot sa kanila ay maingat siyang nagtatanong sa mga ito kung may nalalaman ba sa relasyon ni Margarita at Guzman at sa kasalukuyang kinaroroonan ni Manuel. Madalas siyang makakuha ng mga sagot sa mga anak ng mga itong halos kaedaran lamang niya. Doon niya rin nalaman na marami ang palihim na humahanga sa kakisigan ni Manuel at marami namang nasusuklam kay Margarita. Sa huli, napagtanto niyang mukhang nagkamali nga siya ng nakita. Idagdag pang tuloy na tuloy pa rin ang kasal ni Lorena at Rafael.
Malaking bagay sa kanya na matutuloy pa rin sa dambana ang dalawa. Hindi lamang dahil sa sariling damdamin niya kundi dahil patunay rin iyon na mahal din talaga ni Lorena si Rafael. Dahil kung si Manuel talaga ang mahal nito ay madali na lamang sa dalawa ang ituloy ang pagmamahalan nila dahil higit na makapangyarihan ang pamilya ng huli sa Pueblo del Rey kaysa sa pamilya ng una. Isa pa’y wala sa pagkakakilala niya kay Lorena ang magkupkop ng dalawang lalaki sa saya nito. Kaya malabis ang paghingi niya ng tawad rito at tinanggap naman iyon ng kaibigan.
“Hindi ko sinasadya, Rosa. Masyadong naging matabil ang dila ko nang magkatampuhan kami. Pinaratangan kong may iba na siyang mahal at nabanggit ko ang iyong pangalan,” paliwanag nito.
“At ano naman ang naging tugon niya sa sinabi mo?” Napahawak siya sa dibdib, naninikip iyon sa paghihintay ng sagot mula rito.
Nag-alangan naman ang kaibigan. “Pasensya ka na, Rosa… tinawanan lamang ni Rafael ang damdamin mo para sa kanya.”
Mabilis siyang tumalikod. Nasapo niya nang mahigpit ang naninikip na dibdib, mas lalong kumirot iyon. Nais niyang mapaluha sa sakit na nararamdan ngayon. Pinagtawanan lamang ng lalaking iniibig niya ang kanyang nararamdaman para dito. Pero hindi ba’t mas mainam na rin iyon kaysa kinaawaan siya nito? Marahil ay senyales na rin iyon ng Diyos para magising siya sa katotohanang hindi makakakuha ng sukli ang pag-ibig niya mula sa lalaking pagmamay-ari na ng iba. Dapat niyang itigil ang pangangarap gayong ang lalaking iyon ay pakakasalan ng kanyang matalik na kaibigan at tunay ang pagmamahal ng mga ito sa isa’t-isa.
“Huwag sanang sumama ang loob mo sa amin, Rosa. Alam kong nasasaktan ka pero noong una pa lang ay alam mong kami ni Rafael ang para sa isa’t-isa, hindi ba? At huwag kang mag-alala, makakahanap ka rin ng lalaking para sa iyo.”
“Wala kang dapat ihingi ng paumanhin, Lorena. Ako nga itong dapat na humingi ng tawad sa mga paratang ko sa iyo at sa pagtinging iniaalalay ko sa lalaking mapapangasawa mo. Pero huwang kang mag-alala, hindi na ako muling lalapit pa kay Rafael. Ayaw ko ring masira ang pagkakaibigan natin dahil mas mahalaga iyon para sa akin,” aniya nang muli itong harapin.
“Natutuwa akong marinig iyan mula sa iyo dahil mahalaga rin sa akin ang pagkakaibigan natin. Para na rin kitang kapatid, Rosa at ayaw kong masira iyon dahil lang kay Rafael.” Niyakap siya nito at gumanti naman siya ng yakap.
Napagkasunduan nilang huling beses na nilang pag-uusapan ang bagay na iyon.
SUNOD-SUNOD at walang patid ang papalakas na mga halinghing na umaalingawngaw sa kamalig ng mga kopra. Isang malamlam na lampara ang nagbibigay liwanag sa dalawang magkapareha na pinapaligaya ang mga katawang-lupa sa isang makasalanang tagpo na iyon. Hubo’t-hubad ang babaeng nakatuwad sa papag habang ang ari ng kasama nitong lalaki ay nakapuwesto sa puwitan nito. Mula roon ay pinapasok siya nito sa kanyang puerta. Napadaing siya nang itarak nito ang kabuuan ng ari nito sa ari niya. At muling napahalinghing sa ligaya nang maglabas-masok ito sa b****a ng p********e niya, pabilis nang pabilis. Parang ipo-ipo sa tag-tuyot niyang lupain. Ilang sandali pa’y naambunan ng katas ang tigang niyang binhi at binaha ng ligaya.
Malakas na napaungol siya nang mapalitan ng sakit at kirot ang nararamdaman. Bumagsak siya sa papag at nasapo ang leeg. Damang-dama ng palad niya ang malalim at mahabang laslas doon. Nangingilid sa dugo ang bahaging iyon ng kanyang katawan at wala siyang magawa upang ibsan ang pagdurugo. Ni hindi niya magawang lingunin ang lalaking kasama sa takot na mapunit ang ulo niya sa pagkakakabit niyon.
Dumikit sa kanyang mga hita ang maiinit na palad ng lalaki at naramdaman niyang ibinubuka nito iyon upang masilayan ang hiyas niya. Tumama ang basang dila nito sa hiwa ng ari niya at naglikot papasok doon. Ang ngipin at labi nito ay nginangabngab ang pisngi ng pagkakabae niya. Nanginig ang kanyang mga laman. Hindi dahil sa ligaya ngunit sa laksa-laksang takot na bumalot sa kanya.
Siya ba ang pumapatay sa mga kababaihan ng Pueblo del Rey? Mahabaging Diyos, pakiusap iligtas po ninyo ako. Ako po ay naging makasalanan, alam ko. Subalit huwag sana ninyo akong parusahan sa ganitong paraan. Piping usal niya. Patuloy ang pagdanak ng dugo sa kanyang leeg habang nagpapakasasa ang lalaki sa paglasap sa kaselanan niya.
Mula sa ganoong posisyon na halos hindi na siya gumagalaw, maliban sa kusang panginginig ng katawan niya, ay muli siyang pinasok ng sandata nito. Pakiwari niya ay hinihiwa sa gitna ang buong katawan niya at s’yang-s’ya ang lalaki sa ginagawa nito. Malalakas at mahahabang ungol ang lumabas sa bibig nito nang muling labasan habang nasa loob ng ari niya ang ari nito. Naglalawa siya sa katas nito at ihi niya.
Pagkaraa’y tumayo ito mula sa pagkakadagan sa kanya at inayos ang damit nitong ni hindi pala nito nahubad man lang. Dinampot nito ang saya niya at ginawang basahan sa kamay nitong may mga dugo niya. Kinuha nito ang kuwintas niyang may batong rubi mula sa bulsa ng saya niya at itinago sa sarili nitong bulsa.
Gusto niyang sabihin na marami pa siyang kuwintas sa kanilang mansion at handa niyang ibigay ang lahat ng iyon kung bubuhayin siya nito. Subalit ni hindi niya maibukas ang bibig upang kausapin ito. Ni walang anas ang kaya niyang likhain. Pero humihinga pa siya at alam niyang maisasalba pa ang buhay niya kung may makakapagligtas sa kanya ng mga sandaling iyon.
Anong oras na ba? Kanina pa kami rito sa kamalig. Mag-uumaga na marahil, darating na ang mga trabahador at makikita nila ako rito. Mahuhuli nila ang demonyong ito!
Ngunit ang maliit na pag-asa na gumuhit sa kanyang isipan ay naglahong parang bula nang makita niya ang itak na hawak nito at iwinasiwas sa harapan niya.
LUMIPAS ang mga araw at linggo na mas lalong nabalot ng takot ang mga mamamayan ng Pueblo del Rey. Higit ang mga magulang na may mga anak na babae at ang mga kababaihang hindi mapigilang mag-isip na baka sila na ang susunod na biktima. Bagama’t tuloy-tuloy ang paghahanap sa halimaw ng mga pangkat-pangkat na Filipino at Kastila ay sadyang mailap ito. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung sino ang gumagawa ng karumal-dumal na pagpatay na mga ito sa kababaihan ng kanilang bayan. Sa kabuuan ay may siyam na bangkay na ang natatagpuan.
May kaba man sa dibdib dahil sa mga nangyayari ay hindi hinahayaan ni Rosa na manaig ang takot sa kanya. Mas maraming nangangailangan ng tulong nila kaya kailangan nilang magpatuloy sa panggagamot. At sa mga araw na ganito ay marami siyang kailangang bilhin na mga sangkap at puntahan na mga pasyente ng kanyang mga magulang upang dalhan ng gamot. Sa paraang din iyon sila kumikita at nakakapagpatuloy sa pamumuhay. Hinding-hindi niya maaaring ipagpaliban iyon.
“Rosa?”
“Rafael?” Hindi niya maiwasang kapain ang damdamin nang masilayan ang lalaki. Tiyak niya ng mga sandaling iyon na may pagtangi pa rin siya rito. Muli niyang pinaalalahanan ang sarili na kabiyak ito ng kanyang matalik na kaibigan.
“Anong ginagawa mo’t nasa labas ka pa ng ganitong oras ng gabi? Hindi ka ba nababahala sa mga balita ng pagpaslang sa mga kababaihan?”
“Hindi naman sa ganoon, Rafael. Nababahala rin ako at natatakot pero walang magagawa iyon oras na kumalam ang sikmura namin sa gutom.”
“Siyanga naman, minsan ay wala tayong ibang pagpipilian kundi ang magbanat ng buto. Pero hindi ko naman mapapayagang uuwi kang mag-isa gayong madilim na sa iyong daraanan. Hayaan mong ihatid kita pauwi sa inyo.”
“Huwag ka nang mag-abala, Rafael. Kaya ko nang umuwi nang mag-isa. Marami pa namang mga tao sa daan.” Pag-aalinlangan niya. Bumabatingaw ang mga naging usapan nila ni Lorena. Hindi niya hahayaang siya pa ang maging mitsa ng pagkakasira nila.
“Paumanhin subalit hindi ko mapapayagan ang iyong nais. Magiging mapilit ako sa pagkakataong ito, Rosa.”
Mabilis siyang nag-isip at nagdesisyon. Ipapaliwanag na lamang niya sa kaibigan kung sakaling makita sila nito kung bakit siya inihahatid ni Rafael. O maaaring ang lalaki na rin mismo ang magpaliwanag kung sakali.
“Siya, sige kung mapilit ka. Salamat, Rafael.”
“Walang anuman, Rosa. Halika’t alalayan kitang makasakay sa kalesa.” Iniabot nito ang palad sa kanya na pinaunlakan naman niya.
Ang init ng palad nito ay may kakaibang dulot sa kanya. Tila nag-iinit din ang kanyang pakiramdam. Nababaliw na marahil ang utak niya para utusan ang damdamin niyang makaramdam ng mga ganitong bagay.
Sa huli, naisip ni Rosa na pagbigyan ang sarili at lubusin ang sandaling kasama niya si Rafael sa nakaw na pagkakataon na iyon. Wala namang masama sa paghatid niya sa akin. Nagpapaka-ginoo lang siya. Hindi dapat ako makaramdam ng hiya. Lulong siya sa pag-unawa sa sariling emosyon na hindi na niya namalayang ibang daan ang tinatahak ng kalesa at hindi pauwi sa kanila. Namalayan lamang niya iyon nang bahagyang gumewang ang kalesa nang may madaanan iyong malaking bato.
“Rafael, hindi yata ito ang daan pauwi sa amin?” mahinang tanong niya.
Ngumiti ito sa kanya, sa ilalim ng bilog na bilog na sinag ng buwan ay napakakisig ng ngiting iyon. “Idadaan ko lang muna sa tahanan namin ang mga karga kong gamit. Huwag kang mag-alala, malapit na tayo.”
Tumango na lamang siya at bumalik sa pangangarap ng gising. Wala siyang dapat ipangamba. Si Rafael ang kasama niya. At kung may balak man ito sa kanya… ay kailangan siya nitong panagutan. Lihim siyang napahagikgik sa kaharutan ng isip niya. Natigil lamang siya nang huminto ang kalesa sa harapan ng isang malaking bahay.
“Dito ka nakatira, Rafael?” tanong niya. Iyon ang unang pagkakataon na makararating siya roon. Pero alam niyang hindi iyon ang tahanan ng Cabeza.
“Oo, Rosa. Pumasok ka muna habang ibinababa ko ang mga gamit.” Muli nitong inilahad ang palad upang alalayan siya. Iginiya siya nito papasok at sa mabilis na sandali ay napag-ahin siya nito ng tsaa at tinapay.
“Hindi ka na dapat nag-abala pa, Rafael.”
“Wala iyon. Kumain ka muna habang tinatapos ko lang ang pagbaba ng mga gamit,” anito at nagpaalam na itutuloy na nito ang dapat gawin.
Naiwan siyang mag-isa roon at inabala ang sarili sa pagkain. Naubos niya ang tinapay ngunit hindi tinikman ang tsaa dahil hindi siya umiinom niyon at sumasakit ang sikmura niya. Tumayo siya at hinanap ang kusina. Ayaw niyang tawagin pa ang lalaki para lamang kumuha ng maiinom niya. Nahanap naman niya ang lagayan ng tubig at kumuha ng baso. Pagkatapos uminom ay nag-ikot-ikot siya sa kabahayan. Malaki ang espasyo ng tahanan ng mga ito ngunit hindi naman matatawag na mansion dahil maliit iyon kung ikukumpara.
Nang mapadako siya sa isang silid ay hindi niya napigilan ang sariling tingnan iyon dahil nakaawang na pinto. Mukhang iyon ang silid ni Rafael base na rin sa mga gamit sa loob niyon. Hindi naman sa nanghihimasok siya pero gusto lamang niyang makita iyon, makatikim ng kahit kurot mula sa kabuuan nito. Langhap na langhap niya ang amoy nito sa loob ng silid, sa mga unan at kumot na nasa higaan, sa hanging ngayon ay hinihinga niya. Ay, nababaliw na marahil ako. Ano ba itong ginagawa ko?
Papalabas na sana siya ng silid nang mahagip ng mga mata niya ang isang eleganteng kahon sa ibabaw ng mesita. Malaki iyon para matawag na kahita at maliit naman para matawag na baul. Binuksan niya iyon at ano na lamang ang gilalas niya nang makita ang isang kuwintas na puno ng iba’t-ibang kumikinang na mga bato. Mula esmeralda, rubi, sapiro, topasyo, opalo at maging diamante at kung ano-ano pang mga bato. Sobrang rikit niyon at tila nakakabulag ang kinang ng pinagsama-samang bato.
Kalakip ng kuwintas ang isang papel at nang buklatin niya iyon ay nakita niya ang pangalan ni Lorena. Bumuhos ang paninibugho at inggit sa puso niya. Ayaw niyang maramdaman iyon ngunit kahit anong pilit niya ay nagngingitngit ang kalooban niya. Ibinalik niya ang papel sa loob ng eleganteng kahon ngunit hindi ang kuwintas. Inipit niya iyon sa pagitan ng tagiliran niya at saya. Mabilis siyang lumabas ng silid at bumalik sa salas.
Ilang sandali pa ay bumalik na rin ang lalaki. Naabutan siya nitong muling nakaupo sa pinag-iwanan nito sa kanya. Pilit siyang ngumiti at umusal ng panalangin na sana’y hindi malaman nito ang ginawa niya. Baliw ka na ngang tunay, Rosa. Pagkatapos mong nakawan si Rafael ay tatawagin mo ang pangalan ng Diyos? Tamaan ka sana ng kidlat!
“Mukhang mag-isa ka lamang dito, Rafael? Nasaan ang pamilya mo?” tanong niya nang maiwaksi sa isip ang mga maliliit na tinig na nagtatalo sa utak niya.
“Oo, mag-isa lamang ako rito. Bumuko na ako sa aking pamilya bilang paghahanda sa pagsasama namin ni Lorena. Dito ko rin siya balak na itira,” tugon nito. “Hindi mo ba nagustuhan ang tsaa?” tanong nito nang mapansin ang hindi nagalaw na tasa.
“Paumanhin pero hindi ako umiinom ng tsaa. Naubos ko naman ang tinapay,” sagot niya. “Nakatapos ka na ba? Maaari mo na ba akong ihatid pauwi?” Tumayo na siyang muli.
Bago pa man ito makasagot ay nakarinig sila ng mga ingay sa labas. Naagaw niyon ang atensyon nila kaya halos sabay silang lumabas upang silipin iyon. Mga kalalakihang may mga sulo ang nasa labas at base sa mga pinag-uusapan ng mga ito ay mukhang balak ng mga itong tugisin ang demonyong pumapatay sa mga kababaihan ng bayan nila.
“Mabuti pa’y ihahatid na kita, Rosa,” bigla ay sabi ni Rafael.
“Mabuti pa nga at lumalalim na rin ang gabi,” sang-ayon niya. Kinapa niya nang marahan ang tagiliran upang masigurong naroon pa ang kuwintas.
Muli ay inalalayan siya nitong makasakay. Mabilis naman silang nakarating sa kanila. Inimbitahan niya itong tumuloy ngunit tumanggi ito at nagmamadaling umalis. Tumuloy naman siya sa kanyang silid at inilabas ang iniipit na kuwintas. Isinukat niya iyon at tumingin sa salamin. Napakaganda niya habang suot iyon. Mula ngayon ay sa kanya na iyon at hindi magiging pag-aari ni Lorena.
Isang bahagi ni Rafael ang mananatiling sa kanya habang buhay. At kahit kailanman ay hindi mawawalay sa piling niya. Nahiga siya habang suot-suot pa rin ang kuwintas, sinasalat ng daliri ang bawat bato niyon. Ipinikit niya ang mga mata at sa isipan niya, siya at si Rafael---sa isang tagpong nakatutupok!