Lumabas na sila Mr. Pool sa loob ng paaralan at nagpaalam sa isa't isa habang nasa tapat ng paaralan. "Salamat po." Nakayukong sabi ni Kai. "Marami ka pang malalaman bukas sa mga guro mo," ani Mr. Pool. "Ang mga sinabi ko lang sayo ay ang mga tungkol sa magiging trabaho mo dahil hindi 'yon sasabihin sa 'yo ng mga guro." Tapik niya kay Kai. "Sige na at bumalik ka na sa dorm." Hinintay ni Mr. Pool na umalis si Kai sa harapan niya, kaya nakatayo lang si Mr. Pool ng tuwid. "Salamat po ulit." Ngiting sabi ni Kai at tumalikod na nga tsaka naglakad habang kumakaway kay Mr. Pool. Maya-maya rin ay tumalikod na rin si Mr. Pool at naglakad sa kabilang direksyon. Sa kabilang banda naman habang naglalakad si Kai papunta sa gate ng dorm nila nakita niya si Ari na nasa loob ng gate ng dorm at par

