Napangiti si Ari sa sinabi ni Kai pero sa pagkakataon na ito ay nakita na ni Kai dahil nakalingon siya ng konti kay Ari. Wala namang sinabi si Kai pero tumawa lang siya ng konti at narinig ito ni Ari, kaya napalingon din kaagad si Ari kay Kai. Nakaramdam si Ari ng pag-asa na pwedeng bumalik si Kai sa dati matapos makita ni Ari ang natural na tuwa sa mukha ni Kai na dati niya pang hinahanap. Parehas silang wala ng masabi hanggang sa makapunta na sila sa tapat ng building C pero bago pa pumasok sa loob si Ari, syempre nagpaalam muna sila sa isa't isa. "Bukas na lang ulit." Ngiting sabi ni Kai habang tumuturo ang mata na pumasok na siya dahil inaantay rin ni Kai si Ari na pumasok sa building C para makauwi na rin siya. Ganadong ngumiti si Ari pero walang siyang sinabi kay Kai at pumasok na

